Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 230

Setyembre 24, 2020

Ang lahat ng salita ng Diyos ay naglalaman ng isang bahagi ng Kanyang disposisyon; ang Kanyang disposisyon ay hindi lubusang maipapahayag sa mga salita, kaya ipinakikita nito kung gaano ang kasaganaan na nasa Kanya. Kung ano ang nakikita at nahihipo ng mga tao ay, tutal, limitado, gaya ng kakayahan ng mga tao. Bagaman malinaw ang mga salita ng Diyos, hindi kayang lubusang maunawaan ng mga tao. Katulad ng mga salitang ito: “Sa isang siklab ng kidlat, ibinubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa pagpapalinaw ng Aking liwanag, nabawi na ng sangkatauhan ang kabanalang minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal na tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan!” Naglalaman ang lahat ng salita ng Diyos ng kung ano Siya, at kahit na batid lahat ng tao ang mga salitang ito, hindi nila kailanman nalalaman ang mga kahulugan nito. Sa mga mata ng Diyos, lahat yaong lumalaban sa Kanya ang kaaway Niya, iyan ay, yaong mga nabibilang sa masasamang espiritu ay mga hayop. Mula rito ay namamasdan ang aktuwal na situwasyon ng iglesia. Nang hindi sumasailalim sa mga pangangaral o pagkastigo ng mga tao, nang hindi dumaraan sa tuwirang pagtitiwalag o isang bahagi ng mga pamamaraan ng tao o pagtukoy ng mga tao, sinusuri ng lahat ng tao ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos, at napakalinaw na nakikita sa ilalim ng pangmalas ng isang “mikroskopyo” kung gaano kalala ang sakit na talagang nasa loob nila. Sa mga salita ng Diyos, pinagsama-sama ang bawat uri ng espiritu at ang orihinal na anyo ng bawat espiritu ay ibinubunyag. Ang mga espiritu ng mga anghel ay nagiging pinaliliwanag nang pinaliliwanag at nililiwanagan, kaya ang sinabi ng Diyos, na “nabawi na ng sangkatauhan ang kabanalang minsan nilang tinaglay,” ay nakabatay sa mga pinakahuling resulta na nakamit ng Diyos. Siyempre pa ngayon hindi pa ito lubusang matatamo—isang patikim lamang ito. Ang kalooban ng Diyos ay nakikita sa pamamagitan nito at ipinakikita nito na babagsak sa mga salita ng Diyos ang isang malaking bahagi ng tao at matatalo sa pamamaraan ng unti-unting pagiging banal ng lahat ng tao. Ang “naglaho sa putikan” na binanggit dito ay hindi salungat sa pagwasak ng Diyos sa mundo gamit ang apoy, at ang “kidlat” ay tumutukoy sa poot ng Diyos. Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang matinding poot, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna bunga nito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa ibabaw ng himpapawid, makikita na sa daigdig lumulukob ang lahat ng uri ng kapahamakan sa buong sangkatauhan, araw-araw. Pinagmamasdan mula sa itaas, parang isang sari-saring mga tagpo ang daigdig bago ang isang lindol. Rumaragasa sa lahat ng dako ang nag-aapoy na tubig, umaagos ang kumukulong putik sa lahat ng paligid, umiisod ang mga bundok, at kumikislap sa lahat ng dako ang malamig na liwanag. Napapasadlak sa apoy ang buong mundo. Ito ang tagpo ng paglalabas ng Diyos ng Kanyang poot, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Lahat ng may laman at dugo ay hindi makakatakas. Kaya ang mga digmaan sa pagitan ng mga bayan at mga alitan sa pagitan ng mga tao ay hindi kakailanganin para wasakin ang buong mundo, kundi “tatamasahin nito nang namamalayan” ang duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang sinumang makakatakas dito at daraan silang isa-isa rito. Pagkatapos niyon ang buong sansinukob ay muling kikinang sa banal na kaningningan at ang buong sangkatauhan ay magsisimula muli ng isang bagong buhay. At magiging nasa kapahingahan ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw. Hindi na magiging lubhang mapanglaw ang langit, kundi mapapanumbalik ang sigla na hindi nito nataglay simula noong paglikha ng mundo, at ang “ikaanim na araw” ay magiging kung kailan nagsisimula ng isang bagong buhay ang Diyos. Ang Diyos at tao ay papasok lahat sa kapahingahan at ang sansinukob ay hindi na magiging malabo o marumi, kundi matatamo nito ang pagpapanibago. Kaya nga sinabi ng Diyos: “Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit.” Sa kaharian ng langit ay hindi kailanman nagkaroon ng di-pagkamatuwid o mga damdamin ng tao, o anuman sa mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan dahil wala ang panggugulo ni Satanas. Kayang maunawaan lahat ng tao ang mga salita ng Diyos, at ang buhay sa langit ay isang buhay na puno ng kaligayahan. Lahat niyaong nasa langit ay may karunungan at dignidad ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 18

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger