Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 208

Setyembre 27, 2020

Gaano kalalaki ang mga hadlang sa gawain ng Diyos? May nakaalam na ba kahit kailan? Sa pagkakakulong ng mga tao sa malalang mga kulay ng pamahiin, sino’ng may kakayanang malaman ang totoong mukha ng Diyos? Sa paurong na kaalamang ito sa kultura na napakababaw at kakatwa, paano nila lubusang mauunawaan ang mga salitang sinabi ng Diyos? Kahit pa sila ay kinakausap nang harapan, at pinangangalagaan nang, bibig sa bibig, paano sila makakaunawa? Kung minsan para bang ang mga salita ng Diyos ay hindi napapakinggan: Wala ni katiting na reaksiyon ang mga tao, iniiling nila ang kanilang mga ulo at walang naiintindihan. Paanong hindi ito makababahala? Itong “malayong, sinaunang kasaysayan ng kultura at kaalaman sa kultura” ay nakapag-alaga na ng gayong walang-kabuluhang pangkat ng mga tao. Itong sinaunang kultura—mahalagang pamana—ay isang bunton ng basura! Matagal na itong naging walang-katapusang kahihiyan, at hindi nararapat banggitin! Naturuan na nito ang mga tao ng mga pandaraya at mga pamamaraan ng pagsalungat sa Diyos, at ang “may kaayusan at mahinahong patnubay” ng edukasyong pambansa ay nagawa na ang mga taong mas higit pang suwail sa Diyos. Bawat bahagi ng gawain ng Diyos ay napakahirap gawin, at bawat hakbang ng Kanyang gawain sa lupa ay nakakabalisa sa Diyos. Napakahirap ng gawain Niya sa lupa! Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa ay kinapapalooban ng matinding kahirapan: Ang kahinaan ng tao, mga kakulangan, pagiging-isip-bata, kamangmangan, at lahat ng bagay ng tao, ay maingat na pinagpaplanuhan at masusing isinasaalang-alang ng Diyos. Ang tao ay parang isang tigreng papel na walang naglalakas-loob na painan o galitin; sa pinakabahagyang paghipo siya ay kaagad nangangagat, o kaya ay nahuhulog at naliligaw sa kanyang daan, at para bang, sa bahagyang pagkawala ng konsentrasyon siya’y bumabalik sa pagkakasala, o kung hindi ay winawalang-bahala ang Diyos, o tumatakbo sa mga magulang niyang tulad ng mga baboy at aso upang magpakasawa sa maruming mga bagay ng kanilang mga katawan. Anong tinding hadlang! Sa halos bawat hakbang ng Kanyang gawain, sumasailalim sa tukso ang Diyos, at halos sa bawat hakbang ay nanganganib ang Diyos. Ang Kanyang mga salita ay taos-puso at tapat, at walang malisya, nguni’t sino ang handang tanggapin ang mga ito? Sino ang nais na lubusang magpasakop? Dinudurog nito ang puso ng Diyos. Gumagawa Siya araw at gabi para sa tao, napupuno Siya ng pagkabalisa para sa buhay ng tao, at nahahabag Siya sa kahinaan ng tao. Nagtiis na Siya ng maraming mga pasikut-sikot sa bawat hakbang ng Kanyang gawain, sa bawat salita na sinasabi Niya; lagi Siyang nasa pagitan ng nag-uumpugang bato, at iniisip ang kahinaan ng tao, pagsuway, pagiging-parang-bata, at kahinaan … sa lahat ng oras at nang paulit-ulit. Sino ang kailanma’y nakabatid na nito? Sino ang maaari Niyang pagtapatan? Sino ang makakayang makaunawa? Kailanman ay kinamumuhian Niya ang mga kasalanan ng tao, at ang kawalan ng gulugod, ang kawalan ng lakas-ng-loob, ng tao, at kailanman Siya ay nag-aalala sa kahinaan ng tao, at pinag-iisipang mabuti ang landas na naghihintay sa tao; laging, habang pinagmamasdan Niya ang mga salita at mga gawain ng tao, pinupuspos Siya nito ng awa, at galit, at ang pagtingin sa mga bagay na ito ay laging nagdudulot ng sakit sa Kanyang puso. Ang walang-muwang, pagkatapos ng lahat, ay lumaking manhid; bakit dapat laging pinahihirap ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa kanila? Lubos na walang tiyaga ang taong mahina; bakit dapat laging may ganoong di-humuhupang galit ang Diyos tungo sa kanya? Wala ni munti mang sigla ang mahina at walang-kapangyarihang tao; bakit dapat lagi siyang pinagsasabihan ng Diyos dahil sa kanyang pagsuway? Sino ang makatatagal sa mga banta ng Diyos sa langit? Ang tao, pagkatapos ng lahat, ay marupok, at dahil sa Kanyang desperadong kalagayan, nabaon na ng Diyos ang Kanyang galit nang malalim sa Kanyang puso, upang maaaring dahan-dahang makapagnilay ang tao sa kanyang sarili. Nguni’t ang tao, na nasa malubhang kaguluhan, ay wala ni bahagyang pagpapahalaga sa kalooban ng Diyos; nayurakan na siya sa ilalim ng paa ng matandang hari ng mga diyablo, nguni’t ganap na hindi namamalayan, palagi siyang sumasalungat sa Diyos, o hindi mainit ni malamig tungo sa Diyos. Nakabigkas na ng maraming salita ang Diyos, nguni’t sino ang kailanman ay nagseryoso na sa mga ito? Hindi nauunawaan ng tao ang mga salita ng Diyos, gayunpaman nananatili siyang panatag, at walang matinding pananabik, hindi kailanman tunay na nakilala ang substansya ng matandang diyablo. Nakatira ang mga tao sa Hades, sa impiyerno, nguni’t naniniwala na nakatira sila sa palasyo sa pusod ng dagat; sila ay inuusig ng malaking pulang dragon, gayunpaman ang iniisip nila sa kanilang mga sarili ay “mapaboran” ng bansa; kinukutya sila ng diyablo nguni’t iniisip na kanilang tinatamasa ang pinakamainam na sining ng laman. Anong pangkat ng mga marumi at abang mga hamak sila! Sinapit na ng tao ang kasawian, nguni’t hindi niya ito nalalaman, at sa ganitong madilim na lipunan nagdurusa siya ng sunud-sunod na sakuna, datapwa’t hindi pa siya kailanman nagising na dito. Kailan niya aalisin sa kanyang sarili ang kanyang sariling-kabaitan at malaaliping disposisyon? Bakit sobra siyang walang malasakit sa puso ng Diyos? Tahimik ba niyang kinukunsinti ang pang-aaping ito at paghihirap? Hindi ba niya inaasam ang araw na maaari niyang palitan ng liwanag ang kadiliman? Hindi ba niya inaasam na minsan pang malunasan ang mga kawalang-hustisya tungo sa katuwiran at katotohanan? Naaatim ba niyang manood nang walang ginagawa habang tinatalikdan ng tao ang katotohanan at binabaluktot ang mga katunayan? Masaya ba siyang patuloy na tinitiis ang pagmamaltratong ito? Payag ba siyang maging alipin? Handa ba siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos kasama ang mga alipin ng nabigong kalagayang ito? Nasaan ang iyong kapasiyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad? Nasaan ang iyong kalayaan? Handa ka bang ibigay ang iyong buong buhay para sa malaking pulang dragon, ang hari ng mga diyablo? Masaya ka bang hayaan itong pahirapan ka hanggang kamatayan? Ang mukha ng kalaliman ay magulo at madilim, ang mga karaniwang katutubo, nagdurusa nang gayong kalungkutan, umiiyak sa Langit at nagrereklamo sa lupa. Kailan maitataas ng tao ang kanyang ulo nang mataas? Payat at buto’t balat ang tao, paano niya malalabanan itong malupit at abusadong diyablo? Bakit hindi niya ibinibigay ang kanyang buhay sa Diyos sa lalong madaling panahong makakaya niya? Bakit nag-aalinlangan pa rin siya, kailan niya matatapos ang gawain ng Diyos? Kaya walang-katuturang binulyawan at inapi, ang kanyang buong buhay sa kahuli-hulihan ay magugugol sa walang-kabuluhan; bakit siya nagmamadaling dumating, at ganoong kabilis na umalis? Bakit hindi siya nagpapanatili ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang libong taon ng poot?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin