Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 160

Hunyo 23, 2020

Pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan sa pasimula, ang mga Israelita ang nagsilbing batayan ng gawain, at ang buong Israel ang batayan ng gawain ni Jehova sa lupa. Ang gawain ni Jehova ay upang tuwirang pangunahan at akayin ang tao sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga batas upang ang tao ay makapamuhay nang normal at sambahin si Jehova sa isang normal na paraan sa lupa. Ang Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Isa na hindi nakikita ni nahihipo ng tao. Pinangungunahan lamang Niya ang mga tao na unang ginawang-tiwali ni Satanas, at Siya ay naroon upang turuan at akayin ang mga taong ito, kaya ang mga salitang Kanyang binitawan ay yaon lamang ng mga batas, mga kautusan, at karaniwang kaalaman sa pamumuhay bilang isang tao, at hindi kahit kailan ng mga katotohanang nagtutustos ng buhay ng tao. Ang mga Israelita na nasa ilalim ng Kanyang pangunguna ay hindi yaong mga malalim ang pagkatiwali ni Satanas. Ang Kanyang gawain ng kautusan ay ang pinakaunang yugto lamang sa gawain ng pagliligtas, ang pinakasimula ng gawain ng pagliligtas, at sa praktikal ay walang kinalaman sa mga pagbabago sa pambuhay na disposisyon ng tao. Samakatuwid, walang pangangailangan sa pasimula ng gawain ng pagliligtas para sa Kanya na magkaroon ng katawang-tao para sa gawain Niya sa Israel. Ito ang dahilan kung bakit Niya kinailangan ang daan, iyan ay, isang kasangkapan, upang sa pamamagitan nito ay magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tao. Sa gayon, lumitaw sa kalagitnaan ng mga taong nilalang yaong mga nangusap at gumawa sa ngalan ni Jehova, at ito ang kung paano ang mga anak ng tao at mga propeta ay nakarating sa paggawa sa kalagitnaan ng tao. Ang mga anak ng tao ay gumawa sa kalagitnaan ng tao sa ngalan ni Jehova. Ang masabing tinawag Niya ay nangangahulugan na ang ganoong mga tao ay nagtalaga ng mga batas sa ngalan ni Jehova at sila rin ay mga pari sa gitna ng mga tao sa Israel; ang ganoong mga tao ay mga pari na binabantayan, iniingatan ni Jehova, at kumikilos sa kanila ang Espiritu ni Jehova; sila ang mga tagapanguna sa gitna ng mga tao at tuwirang naglingkod kay Jehova. Ang mga propeta, sa kabilang banda, ay yaong mga nakatalagang magsalita sa ngalan ni Jehova sa mga tao mula sa lahat ng mga lupain at mga tribo. Sila rin yaong mga nanghula sa gawain ni Jehova. Maging mga anak man ng tao o mga propeta, lahat sila ay itinaas ng Espiritu ni Jehova Mismo at nasa kanila ang gawain ni Jehova. Sa kalagitnaan ng mga tao, sila yaong mga tuwirang kumatawan kay Jehova, sila ay gumawa lamang dahil sila ay itinaas ni Jehova at hindi dahil sila ang katawang-tao na ginamit ng Banal na Espiritu Mismo. Samakatuwid, kahit na sila ay parehong nangusap at gumawa sa ngalan ng Diyos, ang mga anak ng tao na yaon at mga propeta sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay tiyak na ang kasalungat sa Kapanahunan ng Biyaya at ng huling yugto, dahil ang gawain ng pagliligtas at paghatol sa tao ay parehong isinagawa ng Diyos na nagkatawang-tao Mismo, at samakatuwid ay wala nang pangangailangan na muling itaas ang mga propeta at mga anak ng tao upang gumawa sa Kanyang ngalan. Sa mga mata ng tao, walang malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng nilalaman at pamamaraan ng kanilang gawain. At sa ganitong kadahilanan kaya laging napagkakamalian ng tao ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na gawain ng mga propeta at mga anak ng tao. Ang pagpapakita ng nagkatawang-taong Diyos ay halos kapareho lamang nang sa mga propeta at mga anak ng tao. At ang nagkatawang-taong Diyos ay mas ordinaryo pa at mas totoo kaysa sa mga propeta. Sa gayon ang tao ay lubos na walang kakayahan upang makita ang pagkakaiba sa pagitan nila. Ang tao ay tumutuon lamang sa mga anyo, lubos na walang kamalayan na, kahit pareho silang gumagawa at nagsasalita, mayroong malaking pagkakaiba. Dahil ang kakayahan ng tao sa pag-arok ay masyadong mahina, hindi kaya ng tao na arukin ang pangunahing mga usapin, at mas hindi nila kayang makita ang kaibahan ng isang bagay na ganoon kasalimuot. Ang mga salita at gawain ng mga propeta at niyaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay paggawa lahat ng tungkulin ng tao, pagganap sa kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang, at paggawa ng mga nararapat gawin ng tao. Gayun pa man, ang mga salita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Kahit ang Kanyang panlabas na anyo ay doon sa isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay hindi upang isagawa ang Kanyang tungkulin kundi ang Kanyang ministeryo. Ang katawagang “tungkulin” ay ginagamit kaugnay sa mga taong nilalang, samantalang ang “ministeryo” ay ginagamit kaugnay sa laman ng Diyos na nagkatawang-tao. Mayroong isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, at ang dalawa ay hindi maaaring pagpalitin. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin, samantalang ang gawain ng Diyos ay pamahalaan, at isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Samakatuwid, kahit na maraming apostol ang ginamit ng Banal na Espiritu at maraming mga propeta ang napuspos Niya, ang kanilang gawain at mga salita ay para lamang gawin ang kanilang tungkulin bilang isang taong nilalang. Kahit na ang kanilang mga propesiya ay maaring mas dakila kaysa sa paraan ng pamumuhay na sinalita ng nagkatawang-taong Diyos, at kahit na ang kanilang pagkatao ay mas mahusay kaysa roon sa nagkatawang-taong Diyos, ginagawa pa rin nila ang kanilang tungkulin, at hindi tinutupad ang kanilang ministeryo. Ang tungkulin ng tao ay tumutukoy sa ginagampanan ng tao, at isang bagay na kayang matupad ng tao. Gayun pa man, ang ministeryo na isinasakatuparan ng nagkatawang-taong Diyos ay may kaugnayan sa Kanyang pamamahala, at ito ay hindi kayang makamit ng tao. Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin