Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 157

Hulyo 8, 2020

Kapag naabot ng gawain ng Diyos ang isang tiyak na punto, at ang pamamahala Niya ay nakaabot sa isang tiyak na punto, ang mga malapit sa Kanyang puso ay may kakayahang tuparin ang mga kinakailangan Niya. Nagtatalaga ang Diyos ng mga kinakailangan Niya sa tao ayon sa sarili Niyang pamantayan, at ayon doon sa kayang makamit ng tao. Habang nagsasalita tungkol sa Kanyang pamamahala, itinuturo rin Niya ang daan para sa tao, at pinagkakalooban ang tao ng landas para sa pananatiling buháy. Ang pamamahala ng Diyos at ang pagsasagawa ng tao ay nasa parehong yugto ng gawain, at sabay na isinasakatuparan. Ang pagsasalita tungkol sa pamamahala ng Diyos ay may kinalaman sa pagbabago sa disposisyon ng tao, ang mga pagsasalita tungkol sa kung ano ang dapat magawa ng tao, at ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao, ay may kinalaman sa gawain ng Diyos; walang panahon kung kailan ang dalawang ito ay maaaring mapaghiwalay. Ang pagsasagawa ng tao ay nagbabago, baitang-baitang. Ito ay dahil ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao ay nagbabago rin, at dahil ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago at sumusulong. Kung ang pagsasagawa ng tao ay nananatiling bihag ng doktrina, ito ay nagpapatunay na siya ay walang gawain at paggabay ng Diyos; kung ang pagsasagawa ng tao ay hindi nagbabago o lumalalim, kung gayon ito ay nagpapatunay na ang pagsasagawa ng tao ay isinasakatuparan ayon sa kalooban ng tao, at hindi ang pagsasagawa ng katotohanan; kung ang tao ay walang landas na tatahakin, kung gayon siya ay nahulog na sa mga kamay ni Satanas, at napipigilan na nito, na nangangahulugang siya ay napipigilan ng masamang espiritu. Kung ang pagsasagawa ng tao ay hindi lumalalim, ang gawain ng Diyos ay hindi mabubuo, at kung walang pagbabago sa gawain ng Diyos, kung gayon ang pagpasok ng tao ay mahihinto; hindi ito maiiwasan. Sa kabuuan ng lahat ng gawain ng Diyos, kung ang tao ay laging susunod sa kautusan ni Jehova, kung gayon ang gawain ng Diyos ay hindi makakasulong, lalong hindi magiging posible na dalhin ang buong kapanahunan sa katapusan. Kung ang tao ay palaging nakahawak lamang sa krus at nagsasabuhay ng pagtitiis at kababaang-loob, kung gayon magiging imposible para sa gawain ng Diyos na magpatuloy sa pagsulong. Ang anim na libong taon ng pamamahala ay hindi basta-basta matatapos sa gitna ng mga taong sumusunod lamang sa kautusan, o kumakapit lamang sa krus at nagsasabuhay ng pagtitiis at kababaang-loob. Sa halip, ang buong gawain ng pamamahala ng Diyos ay natatapos sa gitna niyaong nasa mga huling araw, na nakakakilala sa Diyos, at nabawi mula sa mga kamay ni Satanas at lubusang inalis ang kanilang mga sarili mula sa impluwensya ni Satanas. Ito ang hindi maiiwasang patutunguhan ng gawain ng Diyos. Bakit sinasabi na lipas na sa panahon ang mga pagsasagawa ng mga nasa relihiyosong simbahan? Ito ay dahil ang kanilang isinasagawa ay hiwalay mula sa mga gawain ngayon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang kanilang isinasagawa ay tama, nguni’t habang lumilipas ang panahon at nagbabago ang gawain ng Diyos, ang mga pagsasagawa nila ay unti-unti na ring nilipasan ng panahon. Ito ay naiwan ng bagong gawain at ng bagong liwanag. Batay sa orihinal nitong saligan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay sumulong ng maraming hakbang na palalim. Nguni’t ang mga taong yaon ay nananatili pa ring nakadikit sa orihinal na yugto ng gawain ng Diyos, at kumakapit pa rin sa mga lumang pagsasagawa at sa lumang liwanag. Maaaring magbago nang malaki ang gawain ng Diyos sa paglipas ng tatlo o limang taon, kaya hindi ba’t mas malaki pang mga pagbabago ang mangyayari sa loob ng 2,000 taon? Kung ang tao ay walang bagong liwanag o pagsasagawa, ito ay nangangahulugang siya ay hindi nakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang pagkabigo ng tao; ang pag-iral ng bagong gawain ng Diyos ay hindi maipagkakaila dahil, ngayon, ang mga may orihinal na gawain ng Banal na Espiritu ay sumusunod pa rin sa mga lumang pagsasagawa. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay laging sumusulong, at ang lahat ng nasa agos ng Banal na Espiritu ay nararapat ding sumusulong palalim at nagbabago baytang-baytang. Hindi sila dapat tumigil sa isang yugto. Ang mga hindi lamang nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu ang mananatili sa kalagitnaan ng Kanyang orihinal na gawain, at hindi tatanggapin ang bagong gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang mga hindi sumusunod ang hindi makakayanang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang pagsasagawa ng tao ay hindi sumasabay sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ang pagsasagawa ng tao ay tiyak na naputol mula sa gawain ngayon, at siguradong hindi kasundo ng gawain ngayon. Ang gayong mga taong lipas na sa panahon ay walang kakayahang tuparin ang kalooban ng Diyos, at lalong hindi maaaring maging sila yaong kahuli-hulihang mga tao na tatayo bilang patotoo sa Diyos. Ang buong gawaing pamamahala, higit pa rito, ay hindi matatapos sa kalagitnaan ng ganoong kalipunan ng mga tao. Sapagka’t yaong mga dati ay kumapit sa kautusan ni Jehova, at yaong mga minsang nagdusa dahil sa krus, kung hindi nila matatanggap ang yugto ng gawain sa mga huling araw, kung gayon ang lahat ng kanilang ginawa ay mawawalan ng saysay, at walang kabuluhan. Ang pinakamalinaw na pagpapahayag ng gawain ng Banal na Espiritu ay nasa pagyakap sa naririto ngayon, hindi pagkapit sa nakaraan. Yaong mga hindi nakasabay sa gawain ng ngayon, at silang mga napahiwalay mula sa pagsasagawa ng ngayon, ay yaong mga lumalaban at hindi tumatanggap sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong iyon ay lumalaban sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Kahit na sila ay kumakapit sa liwanag ng nakaraan, ito ay hindi nangangahulugang maaaring itanggi na hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu. Bakit mayroong mga usapan tungkol sa mga pagbabago sa pagsasagawa ng tao, sa mga pagkakaiba sa pagsasagawa sa pag-itan ng nakalipas at ngayon, kung paano ang pagsasagawa ay isinakatuparan sa nakaraang kapanahunan, at kung paano ito isinasagawa ngayon? Ang ganoong paghahati-hati sa pagsasagawa ng tao ay laging sinasalita dahil ang gawain ng Banal na Espiritu ay patuloy na sumusulong, at sa gayon, ang pagsasagawa ng tao ay kailangan ding patuloy na magbago. Kung ang tao ay nananatiling nakakapit sa isang yugto, kung gayon ito ay nagpapatunay na wala siyang kakayahan sa pagsabay sa gawain ng Diyos at sa bagong liwanag; hindi ito nagpapatunay na ang gawain sa pamamahala ng Diyos ay hindi nagbago. Yaong mga nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu ay laging nag-iisip na sila ay tama, nguni’t sa katunayan, ang gawain ng Diyos sa kanila ay matagal nang tumigil, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay wala sa kanila. Ang gawain ng Diyos ay matagal nang inilipat sa ibang kalipunan ng mga tao, isang kalipunan kung kanino Niya hinahangad na tapusin ang Kanyang gawain. Dahil yaong mga nasa relihiyon ay walang kakayahang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, at nais lamang kumapit sa lumang gawain ng nakaraan, tinalikuran Niya ang mga taong ito, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa mga taong tumatanggap sa bagong gawaing ito. Ang mga ito ay mga tao na siyang nakikipagtulungan sa bago Niyang gawain, at tanging sa paraang ito matutupad ang Kanyang pamamahala. Ang pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong, at ang pagsasagawa ng tao ay palaging umaakyat pataas. Gumagawa lagi ang Diyos, at laging nangangailangan ang tao, sa gayon kapwa nila nararating ang kanilang tugatog, ang Diyos at ang tao ay nagsanib nang lubos. Ito ang pagpapahayag ng katuparan ng gawain ng Diyos, at ang pangwakas na kinalabasan ng buong pamamahala ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin