Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 146
Hunyo 19, 2020
Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay. Dapat na mayroon kang mga pamantayan at layunin sa iyong paghahangad, dapat mong malaman kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ang tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinakasaligang prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa daang ito, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag o hindi ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at huwad na daan ay nangangailangan ng ilang aspeto ng batayang kaalaman, na ang pinakasaligan dito ay ang pag-alam kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang diwa ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala nila sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugang ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, ngunit dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at siyang Salita na naging tao, sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos. Kaya’t sa pagkilala kung ito ay ang tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu, at pagkaraan ay dapat mong tingnan kung mayroon o walang katotohanan sa daang ito. Ang katotohanan ang disposisyon sa buhay ng karaniwang pagkatao, na ang ibig sabihin ay yaong hiniling sa tao noong lalangin siya ng Diyos sa pasimula, at ito ay ang sumusunod, ang karaniwang pagkatao sa kabuuan nito (kabilang ang katinuan ng tao, panloob na pananaw, karunungan, at ang batayang kaalaman ng pagiging tao). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung madadala ba o hindi ng landas na ito ang tao sa buhay ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan o hindi ayon sa realidad ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay sadyang napapanahon o hindi. Kung may katotohanan, makakaya nitong pangunahan ang mga tao sa karaniwan at tunay na mga karanasan; higit pa rito, nagiging lalong higit na karaniwan ang mga tao, lubos na nagiging ganap ang kanilang diwa, nagiging lalong higit na maayos ang kanilang buhay sa laman at ang espirituwal na buhay, at nagiging lalong higit na normal ang kanilang mga emosyon. Ito ang ikalawang prinsipyo. May isa pang prinsipyo, at iyan ay kung nadaragdagan ba o hindi ang pagkakilala ng tao sa Diyos, at kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahan o wala na pumukaw ng pag-ibig sa kanilang loob para sa Diyos, at higit silang mapalapit sa Diyos. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan imbes na supernatural, at kung ito ay nakapagkakaloob sa buhay ng tao o hindi. Kung ito ay umaayon sa mga prinsipyong nabanggit, maaaring mabuo ang pagpapasya na ang daang ito ang tunay na daan. Sinasabi Ko ang mga ito hindi upang tanggapin ninyo ang ibang daan sa inyong mga daranasin sa hinaharap, o bilang hula na magkakaroon ng gawain ng isa pang bagong kapanahunan sa hinaharap. Sinasabi Ko ang mga ito upang matiyak ninyo na ang daan ng kasalukuyan ang tunay na daan, upang hindi kayo maging bahagya lamang na nakakatiyak sa inyong paniniwala sa gawain ng kasalukuyan at hindi makayang makamit ang kabatiran tungo rito. Maraming iba pa, na sa kabila ng pagiging tiyak, ay sumusunod pa rin nang may pagkalito; ang gayong katiyakan ay walang kaakibat na prinsipyo, at ang mga ganoong tao ay dapat maalis sa malaon o madali. Kahit yaong mga talagang masigasig sa kanilang pagsunod ay tatlong bahaging nakatitiyak at limang bahaging di-nakatitiyak, na nagpapakitang wala silang saligan. Dahil napakahina ng inyong kakayahan at napakababaw ng inyong saligan, wala kayong pagkaunawa sa pag-iiba-iba. Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa pang-unawa ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob sa saklaw ng karaniwang pang-unawa ng tao, at hindi lumalampas sa pang-unawa ng karaniwang pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang hinihingi sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang mga tao ay nagiging lalong higit na karaniwan, at ang kanilang pagkatao ay nagiging lalong higit na karaniwan. Nagkakaroon ng ibayong kaalaman ang mga tao tungkol sa kanilang tiwaling disposisyong malasatanas, at ng diwa ng tao, at nagkakaroon din sila ng higit na pag-asam sa katotohanan. Ang ibig lang sabihin, lumalago nang lumalago ang buhay ng tao, at nakakayanan ng tiwaling disposisyon ng tao ang padagdag nang padagdag na pagbabago—na lahat ay siyang kahulugan ng pagiging buhay ng tao ng Diyos. Kung ang isang daan ay walang kakayahang ihayag ang gayong mga bagay na siyang diwa ng tao, walang kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao, at higit pa rito, walang kakayahang dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos o bigyan sila ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at nagiging sanhi pa upang ang kanilang pagkatao ay higit pang maging mababa at ang kanilang katinuan ay higit pang maging hindi karaniwan, ang daang ito, kung gayon, ay hindi ang tunay na daan, at maaaring ito ay gawain ng masamang espiritu, o ang lumang daan. Sa madaling salita, hindi ito ang gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan. Naniwala na kayo sa Diyos sa loob ng mga taong ito, ngunit wala kayong nahihiwatigan sa mga prinsipyo para sa pagkilala sa pagkakaiba ng tunay na daan at huwad na daan o sa paghahanap sa tunay na daan. Karamihan ng mga tao ay hindi man lamang interesado sa ganitong mga bagay; sumusunod lamang sila kung saan pumupunta ang karamihan, at inuulit ang sinasabi ng nakararami. Paanong magiging ito ang tao na naghahanap sa tunay na daan? At paano masusumpungan ng ganoong mga tao ang tunay na daan? Kung inyong mauunawaan ang ilang mga pangunahing prinsipyong ito, hindi kayo malilinlang anuman ang mangyari. Sa ngayon, napakahalagang makaya ng mga tao na malaman ang mga pagkakaiba; ito ang dapat na tinataglay ng karaniwang pagkatao, at ito ang dapat taglayin ng tao sa kanyang karanasan. Kung, hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring naipagkakaiba ang mga tao sa kanilang pagsunod, at ang kanilang pantaong diwa ay hindi pa rin lumago, napakahangal ng mga tao kung gayon, at ang kanilang paghahangad ay mali at lihis. Wala ni bahagya mang pagkakaiba sa iyong paghahangad ngayon, at samantalang ito ay totoo, tulad ng iyong sinasabi, na natagpuan mo na ang tunay na daan, nakamit mo na ba iyon? Nagawa mo na bang makilala ang anumang pagkakaiba? Ano ang diwa ng tunay na daan? Sa tunay na daan, hindi mo nakamit ang tunay na daan; wala kang nakamit na anuman sa katotohanan. Ibig sabihin, hindi mo nakamit ang hinihingi sa iyo ng Diyos, kaya’t wala pa ring pagbabago sa iyong katiwalian. Kung ipagpapatuloy mo ang paghahangad sa ganitong paraan, sa huli ay tiyak na maaalis ka. Dahil nakasunod ka na hanggang sa araw na ito, dapat mong matiyak na ang natahak mo nang daan ay siyang tamang daan, at hindi ka na dapat magkaroon ng mga pagdududa pa. Maraming tao ang laging nag-aalinlangan at humihinto sa paghahangad sa katotohanan dahil sa ilang maliliit na bagay. Ang mga gayong tao ay yaong walang kaalaman sa gawain ng Diyos, sila yaong mga sumusunod sa Diyos nang may pagkalito. Ang mga tao na hindi nakakaalam ng gawain ng Diyos ay walang kakayahang maging mga kaniig Niya, o magbigay-patotoo sa Kanya. Pinapayuhan Ko ang mga naghahanap lamang ng pagpapala at naghahangad lamang sa kung ano ang malabo at mahirap maunawaan na hangarin ang katotohanan sa lalong madaling panahon, upang ang kanilang buhay ay magkaroon ng kabuluhan. Huwag na ninyong linlangin pa ang inyong sarili!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video