Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 142

Hunyo 16, 2020

Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay dumating pangunahin upang wikain ang Kanyang mga salita, upang ipaliwanag ang lahat ng kinakailangan sa buhay ng tao, upang ituro kung ano ang dapat pasukin ng tao, upang ipakita sa tao ang mga gawa ng Diyos, at upang ipakita sa tao ang karunungan, walang-hanggang kapangyarihan, at pagiging-kamangha-mangha ng Diyos. Sa pamamagitan ng maraming paraan kung paano nagwiwika ang Diyos, nakikita ng tao ang pagiging-kataas-taasan ng Diyos, ang kalakihan ng Diyos, at, higit pa rito, ang kababaang-loob at pagiging-kubli ng Diyos. Nakikita ng tao na ang Diyos ay kataas-taasan, nguni’t Siya rin ay mapagkumbaba at nakakubli, at maaaring maging pinakamababa sa lahat. Ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang tuwiran mula sa perspektibo ng Espiritu, ilan sa Kanyang mga salita ay winika nang direkta mula sa perspektibo ng tao, at ilan sa Kanyang mga salita ay winika mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan. Dito maaaring makita na ang pamamaraan ng gawain ng Diyos ay higit na paiba-iba at sa pamamagitan ng mga salita na pinahihintulutan Niya ang tao na makita ito. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay parehong normal at totoo, at dahil dito ang pangkat ng mga tao sa mga huling araw ay isinasailalim sa pinakamatindi sa lahat ng mga pagsubok. Dahil sa pagiging-karaniwan at pagiging-tunay ng Diyos, ang lahat ng tao ay pumasok sa gitna ng mga pagsubok na iyon; na lumusong ang tao sa mga pagsubok ng Diyos ay dahil sa pagiging-karaniwan at pagiging-tunay ng Diyos. Noong panahon ni Jesus, walang mga pagkaintindi o mga pagsubok. Dahil karamihan sa gawain na naisakatuparan ni Jesus ay ayon sa mga pagkaintindi ng tao, sinunod Siya ng mga tao, at wala silang naging mga pagkaintindi tungkol sa Kanya. Ang mga pagsubok sa kasalukuyan ay ang pinakamatinding kinakaharap ng tao, at kapag sinabi na ang mga taong ito ay nakalabas mula sa malaking kapighatian, ito ang matinding paghihirap na tinutukoy dito. Sa kasalukuyan, nangungusap ang Diyos sa mga tao upang lumikha sa kanila ng pananampalataya, pag-ibig, pagdurusa, at pagsunod. Ang mga salitang winika ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay naaayon sa sangkap ng kalikasan ng tao, ayon sa asal ng tao, at ayon sa kung saan dapat pumasok ang tao sa kasalukuyan. Ang Kanyang paraan ng pananalita ay kapwa totoo at normal: Hindi Siya nangungusap nang patungkol sa kinabukasan, ni hindi rin Siya lumilingon sa nakaraan; nangungusap lamang Siya tungkol doon sa kung ano ang dapat na mapasok, maisagawa, at maintindihan sa kasalukuyan. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at magpagaling, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila ang pagdating ni Jesus, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at ang Diyos ay hindi na kailanman magsasagawa ng yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, nguni’t ang nangyari ay dumating si Jesus, kung kaya’t hindi tama na dumating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Jesus, at ito ay magiging mali kapag si Jesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawa’t kapanahunan, at bawa’t pangalan ay inilalarawan ng kapanahunan. Sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay dapat na laging magpakita ng mga tanda at kababalaghan, dapat laging magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at dapat laging maging katulad ni Jesus, nguni’t sa panahon ngayon ang Diyos ay hindi na katulad noon. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling—kung ginawa Niya nang eksakto ang ginawa ni Jesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawa’t panahon. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito. Bakit ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay kaiba sa gawain ni Jesus? Bakit hindi nagpapakita ang Diyos ngayon ng mga tanda at kababalaghan, hindi nagpapalayas ng mga demonyo, at hindi nagpapagaling? Kung ang gawain ni Jesus ay kapareho ng gawain na naisakatuparan noong Kapanahunan ng Kautusan, maaari ba Siyang naging kinatawan ng Diyos ng Kapanahunan ng Biyaya? Maaari bang nakumpleto ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus? Kung, gaya noong Kapanahunan ng Kautusan, pumasok si Jesus sa templo at pinanatili ang Araw ng Pamamahinga, kung gayon ay wala sanang umusig sa Kanya at tinanggap Siya ng lahat. Kung gayon, napako kaya Siya sa krus? Nakumpleto kaya Niya ang gawain ng pagtubos? Ano ang magiging punto kung ang Diyos na nagkatawang-tao nitong mga huling araw ay nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, gaya ni Jesus? Kung ginagawa lamang ng Diyos ang isa pang yugto ng Kanyang gawain sa mga huling araw, isang kumakatawan sa isang bahagi ng Kanyang plano sa pamamahala, maaaring makatamo ang tao ng mas malalim na pagkakilala sa Diyos, at doon lamang maaaring makumpleto ang plano sa pamamahala ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin