Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 141
Hunyo 23, 2020
Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.
Ano ang dapat ninyong malaman:
1. Ang gawain ng Diyos ay hindi higit-sa-natural, at hindi kayo dapat magkimkim ng mga pagkaintindi ukol dito.
2. Dapat ninyong maunawaan ang pangunahing gawaing isasakatuparan sa pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahong ito.
Hindi Siya dumating upang magpagaling, o magpalayas ng mga demonyo, o upang magpakita ng mga milagro, at hindi Siya naparito upang palaganapin ang ebanghelyo ng pagsisisi, o pagkalooban ang tao ng katubusan. Iyan ay dahil naisakatuparan na ni Jesus ang gawaing ito, at hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Sa kasalukuyan, naparito ang Diyos upang dalhin sa katapusan ang Kapanahunan ng Biyaya at tanggalin ang lahat ng kaugalian ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang praktikal na Diyos ay naparito upang ipakita na Siya ay totoo. Noong dumating si Jesus, Siya ay nagwika ng kaunting mga salita; una sa lahat, nagpakita Siya ng mga milagro, nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagpagaling at nagpalayas ng mga demonyo, kung hindi, nagwika Siya ng mga propesiya upang mapaniwala ang tao, at upang tulungan ang tao na makita na Siya ay totoong Diyos, at isang mahinahong Diyos na walang kinakatigan. Sa huli, kinumpleto Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus. Ang Diyos ng kasalukuyan ay hindi nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, ni hindi Siya nagpapagaling at nagpapalayas ng mga demonyo. Noong dumating si Jesus, kinatawan ng gawaing Kanyang ginawa ang isang bahagi ng Diyos, nguni’t sa kasalukuyan ay dumating ang Diyos upang isagawa ang yugto ng gawain na nararapat, dahil ang Diyos ay hindi umuulit ng parehong gawain; Siya ang Diyos na laging bago at hindi naluluma, at dahil dito lahat nang nakikita mo ngayon ay ang mga salita at gawain ng praktikal na Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video