Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 195
Hulyo 29, 2020
Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng mga Taong Sumusunod sa Diyos
Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong sumusunod sa Diyos. Ito ay may kaugnayan sa inyo, kaya makinig nang mabuti. Una, mag-isip ng tungkol sa anong mga kategorya maaaring pagbaha-bahaginin ang mga taong naniniwala sa Diyos. Dalawa ang mga ito: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Una ang pag-uusapan natin ay ukol sa mga taong pinili ng Diyos, kung saan sila ay kakaunti. Ano ang tinutukoy sa “mga taong pinili ng Diyos”? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumusunod sa Kanya, at tinawag silang “mga taong pinili ng Diyos.” Mayroong natatanging saklaw at kahalagahan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay sa bawat sandaling gumagawa ang Diyos ng mahalagang gawain kailangan nilang dumalo—kung saan ay iyon ang una sa mga bagay na ikinatangi nila. At ano ang kanilang kahalagahan? Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing buo ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito? Kaya, ang mga taong pinili na ito ay may dakilang kahalagahan sa Diyos, sapagkat sila yaong mga ninanais ng Diyos na makamit. Samantalang ang mga tagapaglingkod—buweno, umalis muna tayo mula sa katalagahan ng Diyos, at una muna nating pag-usapan ang kanilang mga pinagmulan. Ang literal na kahulugan ng “tagapaglingkod” ay yaong naglilingkod. Yaong mga naglilingkod ay pansamantala; hindi nila nagagawa iyon nang matagalan, o nang habang panahon, ngunit mga inuupahan o hinihikayat nang pansamantala. Karamihan sa kanila ay pinili mula sa mga taong hindi sumasampalataya. Sila ay dumarating sa lupa kapag iniutos na gagampanan nila ang papel ng mga tagapaglingkod sa gawain ng Diyos. Maaaring sila ay naging hayop sa nakaraan nilang buhay, ngunit maari rin namang isa sa mga taong hindi sumasampalataya. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga tagapaglingkod.
Magbalik tayo sa mga taong pinili ng Diyos. Kapag sila ay namatay, ang mga taong pinili ng Diyos ay nagpupunta sa isang lugar na lubos na kaiba mula sa mga taong hindi sumasampalataya at iba’t ibang taong sumasampalataya. Ito ay isang lugar kung saan ay sinasamahan sila ng mga anghel at mga sugo ng Diyos, at yaong kung saan ay personal na pinangangasiwaan ng Diyos. Bagaman, sa lugar na ito, ang mga taong pinili ng Diyos ay hindi nagagawang makita sa kanilang sariling mga mata ang Diyos, hindi ito kagaya ng anumang lugar sa espirituwal na kaharian; ito ay isang lugar kung saan ang bahaging ito ng mga tao ay magpupunta pagkatapos nilang mamatay. Kapag sila ay namatay, sila rin ay isasailalim sa isang mahigpit na pagsisiyasat ng mga sugo ng Diyos. At ano ang sinisiyasat? Sinisiyasat ng mga sugo ng Diyos ang mga landas na tinahak ng mga taong ito sa kabuuan ng kanilang buhay sa kanilang pananampalataya sa Diyos, totoo man o hindi, sa panahong iyon, kailanman ay sinalungat ang Diyos, o sinumpa Siya, at nakagawa man sila o hindi ng mga mabibigat na kasalanan o kasamaan. Sinasagot ng pagsisiyasat na ito ang tanong kung ang tao ay aalis o mananatili. Ano ang tinutukoy ng “aalis”? At ano ang tinutukoy ng “mananatili”? Ang “aalis” ay tumutukoy sa kung, batay sa kanilang asal, sila ay mananatili sa mga antas ng mga pinili ng Diyos. Ang “mananatili” ay nangangahulugang mananatili sila sa gitna ng mga tao na ginawang ganap ng Diyos sa mga huling araw. Para sa yaong mga mananatili, mayroong natatanging pagsasaayos ang Diyos. Sa bawat panahon ng Kanyang gawain, isusugo ng Diyos ang gayong mga tao upang gumanap bilang mga apostol o upang isagawa ang gawain muling buhayin ang mga simbahan, o pagsilbihan sila. Ngunit ang mga tao na may kakayahang gumawa ng gayong gawain ay hindi madalas na muling nagkakatawang-tao kumpara sa mga taong hindi sumasampalataya, na isinisilang muli nang paulit-ulit; sa halip, sila ay ibinabalik sa lupa alinsunod sa mga pangangailangan at mga hakbang ng gawain ng Diyos, at hindi yaong mga madalas muling magkatawang-tao. Kaya mayroon bang ibang mga patakaran kapag sila ay muling nagkatawang-tao? Dumarating ba sila minsan sa loob ng ilang taon? Dumarating ba sila nang ganoon kadalas? Hindi sila. Ano ang batayan nito? Ito ay nakabatay sa gawain ng Diyos, sa mga hakbang ng Kanyang gawain, at ang Kanyang mga pangangailangan, at walang mga panuntunan. Ano ang kaisa-isang patakaran? Ito ay ang kapag ginagawa ng Diyos ang huling yugto ng Kanyang gawain sa huling mga araw, ang mga taong pinili na ito ay darating lahat sa gitna ng tao. Kapag silang lahat ay dumating, ito ang magiging huling pagkakataon na sila ay muling magkakatawang-tao. At bakit nagkaganoon? Ito ay batay sa kalalabasan ng kailangang makamit sa panahon ng huling yugto ng gawain ng Diyos—dahil sa panahon ng huling yugto ng gawaing ito ng Diyos, gagawin ng Diyos ang mga taong pinili na ito na lubos na ganap. Ano ang ibig sabihin nito? Kung, sa panahon ng kahuli-hulihang bahagi na ito, ang mga taong ito ay ginawang ganap, at ginawang perpekto, kung gayon ay hindi sila muling magkakatawang-tao gaya ng dati; ang proseso ng pagiging tao ay darating sa isang kumpletong katapusan, at gayundin ang proseso ng muling pagkakatawang-tao. Ito ay may kinalaman sa kanilang mga mananatili. Kaya saan mapupunta yaong mga hindi makapananatili? Yaong mga hindi makapananatili ay may isang angkop na lugar na pupuntahan. Una—kagaya ng sa iba—bilang resulta ng kanilang kasamaan, ang mga pagkakamali na kanilang ginawa, at ang mga kasalanan na kanilang ginawa, sila ay parurusahan din. Pagkatapos silang maparusahan, sila ay ipadadala ng Diyos sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya; na angkop sa mga pangyayari, isasaayos Niya para sa kanila na mapabilang sa mga taong hindi sumasampalataya, o kung hindi sa gitna ng mga iba’t ibang tao na sumasampalataya. Na ang ibig sabihin, sila ay mayroong dalawang pagpipilian: Ang isa malamang ay mamuhay sa gitna ng mga tao ng isang naturang relihiyon kasunod ng parusa, at ang isa pa ay malamang maging isang tao na hindi sumasampalataya. Kung sila ay maging isang tao na hindi sumasampalatataya, kung gayon ay mawawala nila ang lahat ng pagkakataon. Samantalang kung sila ay magiging isang tao na may pananampalataya—kung, halimbawa, sila ay magiging isang Kristiyano—mayroon pa silang pagkakataon na makabalik sa gitna ng mga antas ng mga taong pinili ng Diyos; mayroong napakaraming masalimuot na mga kaugnayan dito. Sa madaling sabi, kung ang isa sa mga taong pinili ng Diyos ay nakagawa ng isang bagay na nanakit sa Diyos, sila ay parurusahan kagaya ng lahat. Si Pablo, halimbawa, na siyang pinag-usapan natin noong nakaraan. Si Pablo ay isang halimbawa ng mga pinarusahan. Nakakakuha na ba kayo ng ideya tungkol sa aking sinasabi? Ang saklaw ba ng mga taong pinili ng Diyos ay permanente? (Karamihan.) Karamihan nito ay permanente, ngunit ang isang maliit na bahagi nito ay hindi permanente. Bakit ganoon? Sapagkat sila ay nakagawa ng kasamaan. Dito, tinukoy ko ang pinakamalinaw na halimbawa: paggawa ng masama. Kapag sila ay nakagawa ng kasamaan, hindi sila gusto ng Diyos, at kung hindi sila gusto ng Diyos, itinatapon Niya ang mga ito sa gitna ng iba’t ibang lahi at uri ng mga tao, na mag-iiwan sa kanila sa kawalang pag-asa, at magiging mahirap para sa kanila na bumalik. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong pinili ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video