Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 190

Agosto 5, 2020

Yaong mga walang pananampalataya ay kadalasang naniniwala na ang lahat ng maaring makita ay umiiral, habang ang lahat nang hindi nakikita, o yaong masyadong malayo mula sa tao, ay hindi. Mas gusto nilang paniwalaan na walang “pag-inog ng buhay at kamatayan,” at walang “parusa,” at kaya sila ay nagkakasala at gumagawa ng masama nang walang pangangamba—pagkatapos kung saan sila ay naparusahan, o muling nagkatawang-tao bilang mga hayop. Karamihan sa iba’t-ibang mga tao sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya ay nahuhulog sa paulit-ulit na pagkakamaling ito. At bakit nagkaganoon? Sapagkat hindi nila alam na ang espirituwal na mundo ay mahigpit sa pamamahala nito sa lahat ng buhay na nilalang. Paniwalaan mo man ito o hindi, ang katotohanang ito ay umiiral, sapagkat wala kahit isang tao o bagay ang makatatakas sa saklaw ng kung anong pinagmamasdan ng mga mata ng Diyos, at wala kahit isang tao o bagay ang makatatakas sa mga patakaran at mga limitasyon ng panlangit na mga kautusan at mga batas ng Diyos. At kaya sinasabi sa bawat isa sa inyo ang payak na halimbawang ito; hindi alintana kung naniniwala ka man sa Diyos o hindi, hindi katanggap-tanggap na magkasala at gumawa ng masama, mayroong mga kahihinatnan, at ito ay tiyak. Kung ang isang tao ay nandaya sa iba dahil sa salapi ay pinarusahan, ang gayong parusa ay makatarungan at makatwiran, at matuwid. Ang pangkaraniwang nakikitang asal kagaya nito ay parurusahan ng espirituwal na mundo, parurusahan ng mga batas at panlangit na kautusan ng Diyos, at kaya ang talamak na kriminal at napakasamang asal—panggagahasa at pagnanakaw, pandaraya at panlilinlang, pang-uumit at panloloob, pagpatay at panununog, at iba pa—ay higit pang isinasailalim sa iba’t ibang parusa na may magkakaibang bigat. At ano ang kabilang sa mga parusa na may magkakaibang bigat na ito? Ang ilan sa mga ito ay gumugugol ng panahon upang itatag ang antas ng kalubhaan, ang ilan ay nagkakagayon sa pamamagitan ng magkakaibang mga sistema, at ang iba ay nagkakagayon sa pamamagitan ng kung saan nagpupunta ang mga tao kapag sila ay muling nagkatawang-tao. Halimbawa, ang ilan sa mga tao ay mahalay ang bibig. Ano ang tinutukoy ng pagiging “mahalay ang bibig”? Nangangahulugan ito nang malimit na pagtutungayaw sa iba at paggamit ng malisyosong pananalita, pananalita na sumusumpa sa mga tao. Ano ang ipinahihiwatig ng malisyosong pananalita? Ipinahihiwatig nito na ang isang tao ay may masamang puso. Ang malisyosong pananalita na sumusumpa sa mga tao ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng gayong mga tao, at ang gayong malisyosong pananalita ay may kakabit na mabigat na kahihinatnan. Pagkatapos mamatay ng mga taong ito at matanggap ang kaukulang parusa, maari silang muling isilang bilang mga pipi. Ang ilang tao ay masyadong tuso nang sila ay nabubuhay, madalas nilang nilalamangan ang iba, ang kanilang maliit na mga pakana ay talagang planado nang husto, at gumagawa sila nang labis na nakapipinsala sa iba. Kapag sila ay isinilang na muli, maaaring bilang isang sintu-sinto o isa na may kapansanan sa pag-iisip. Ang ilang tao ay madalas sumilip sa pagiging pribado ng iba; ang kanilang mga mata ay nakakakita nang sobra na hindi nila dapat pinakikialaman, at marami silang alam na hindi naman dapat malaman, at kaya kung sila ay isisilang muli, maaaring sila’y bulag. Ang ilang tao ay masyadong listo nang sila ay nabubuhay, madalas silang makipag-away, at gumagawa ng maraming kasamaan, at kaya kapag sila ay isinilang muli maaari silang may kapansanan, lumpo o walang isang kamay, o kung hindi ay maging kuba sila, o may tabinging leeg, maaari silang maglakad na paika-ika, o magkaroon ng isang paa na mas maigsi kaysa sa isa, at iba pa. Sa ganito, sila ay isinailalim sa magkakaibang mga parusa batay sa antas ng kasamaan na kanilang ginawa habang nabubuhay. At ano ang masasabi ninyo, bakit ang mga tao ay duling? Marami ba ang gayong mga tao? Napakarami nilang nakapaligid sa panahong ito. Ang ilang tao ay duling sapagkat sa nagdaan nilang buhay ay ginamit nila nang sobra ang kanilang mga mata, gumawa rin sila ng maraming masasamang mga bagay, at kaya nang sila ay isilang muli sa buhay na ito ang kanilang mga mata ay duling, at sa malubhang mga kaso sila ay mga bulag pa. Ito ang ganti! Ang ilang tao ay nakakapalagayang-loob ang iba bago sila mamatay, gumagawa sila ng maraming mabuting bagay para sa mga nakapaligid sa kanila, para sa kanilang minamahal sa buhay, mga kaibigan, mga kasamahan, o sa mga taong may kaugnayan sa kanila. Tinutulungan nila ang iba, nagkakawanggawa sila at lumilingap sa iba, o tinutulungan nila sila sa pinansiyal, tinitingala sila ng iba, at kapag ang gayong mga tao ay nagbalik sa espirituwal na mundo sila ay hindi parurusahan. Upang hindi maparusahan ang isang taong hindi sumasampalataya sa anumang paraan nangangahulugan itong sila’y naging napakabuting tao. Sa halip na maniwala sa pag-iral ng Diyos, naniniwala lamang sila sa Matandang Lalaki sa Langit. Naniniwala lamang sila na mayroong espiritu sa ibabaw nila na nanonood sa lahat ng kanilang ginagawa—yaon lamang ang kanilang pinaniniwalaan. At ano ang resulta? Sila ay mas mabuti-pino ang kilos. Ang mga taong ito ay may mabuting puso at mapagkawanggawa, at kapag sa huli ay bumalik sila sa espirituwal na mundo, tatratuhin sila nang maayos ng espirituwal na mundo at kaagad silang muling magkakatawang-tao at isisilang muli. At sa anong uri ng pamilya sila makararating? Bagamat hindi ito magiging mayaman, ang buhay pamilya ay magiging payapa, magkakaroon ng pagtutulungan sa mga miyembro nito, pagdadaanan nila ang tahimik, masayang mga araw, ang lahat ay magiging masaya, at magkakaroon sila ng mabuting buhay. Kapag ang tao ay nakarating sa karampatang gulang, ipanganganak nila ang maraming anak na lalaki at anak na babae, at magkakaroon ng malaki at pinalawig na pamilya, ang kanilang mga anak ay magiging talentado at magtatamasa ng tagumpay, at sila at ang kanilang pamilya ay magtatamasa ng magandang kapalaran—at ang gayong kalalabasan ay may malaking kaugnayan sa nagdaang buhay ng tao. Na ang ibig sabihin, ang buong buhay ng tao, pagkatapos na pagkatapos nilang mamatay at saan sila pupunta kapag sila ay muling nagkatawang-tao, maging sila man ay lalaki o babae, kung ano ang kanilang misyon, kung ano ang pagdadaanan nila sa buhay, ang kanilang mga kasawian, kung anong mga pagpapala ang kanilang tinatamasa, sino ang kanilang makikilala, kung ano ang mangyayari sa kanila—walang makahuhula nito, makaiiwas nito, o makapagtatago mula rito. Na ang ibig sabihin, pagkatapos maitakda ang iyong buhay, sa anumang mangyayari sa iyo, gaano mo man balakin at iwasan ito, sa anumang mga pamamaraan mo balakin at iwasan ito, wala kang paraan para labagin ang pag-inog ng buhay na itinakda para sa iyo ng Diyos sa espiritwual na mundo. Sapagkat kapag ikaw ay muling nagkatawang-tao, ang kapalaran ng iyong buhay ay itinakda na. Maging ito man ay mabuti o masama, kailangang harapin ito ng lahat, at dapat na makapagpatuloy; ito ay isang isyu na walang sinumang nabubuhay sa mundong ito ang makaiiwas, at walang isyu ang mas makatotohanan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger