Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 15

Mayo 18, 2020

Kadalasang Ipinapakahulugan ng mga Tao ang Diyos Batay sa Karanasan (Piling sipi)

Kapag nag-uusap-usap tungkol sa paksa ng pagkilala sa Diyos, mayroon ba kayong napansin? Napansin ba ninyo na nagkaroon na ng pagbabago ang Kanyang saloobin sa mga panahong ito? Hindi ba maaaring baguhin ang Kanyang saloobin ukol sa mga tao? Lagi ba Siyang magtitiis na kagaya nito, na ipinapaabot nang walang hangganan ang Kanyang pagmamahal at awa sa pagtataksil ng mga tao? Ang bagay na ito ay nauugnay rin sa diwa ng Diyos. … Nang malaman na mahal ng Diyos ang sangkatauhan, itinuturing nila Siya na isang simbolo ng pagmamahal: Naniniwala sila na anuman ang ginagawa ng mga tao, paano man sila kumikilos, paano man nila tinatrato ang Diyos, at gaano man sila kasuwail, wala sa mga ito ang mahalaga, sapagkat ang Diyos ay may pagmamahal, at ang Kanyang pagmamahal ay walang hangganan at hindi masusukat; ang Diyos ay may pagmamahal, kaya maaari Siyang maging mapagparaya sa mga tao; at ang Diyos ay may pagmamahal, kaya maaari Siyang maging maawain sa mga tao, maawain sa kanilang pagiging isip-bata, maawain sa kanilang kamangmangan, at maawain sa kanilang pagsuway. Ganito ba talaga ito? Para sa ilang tao, kapag naranasan na nilang minsan o kahit ilang beses ang pasensya ng Diyos, ituturing nila ang mga karanasang ito bilang puhunan sa kanilang sariling pagkaunawa sa Diyos, naniniwala na magiging mapagpasensya at maawain Siya sa kanila magpakailanman, at pagkatapos, habang nabubuhay sila, itinuturing nila ang pasensyang ito ng Diyos at isinasaalang-alang bilang pamantayan ng Kanyang pagtrato sa kanila. May mga tao rin na, matapos maranasan nang minsan ang pagpaparaya ng Diyos, ay magpakailanmang ipapakahulugan ang Diyos na mapagparaya—at sa kanilang isipan, ang pagpaparayang ito ay walang hangganan, walang kondisyon, at lubos pa ngang walang prinsipyo. Tama ba ang ganitong mga paniniwala? Tuwing tinatalakay ang mga bagay tungkol sa diwa o disposisyon ng Diyos, tila nalilito kayo. Lubha Akong nababalisa kapag nakikita Ko kayong ganito. Marami na kayong narinig na katotohanan tungkol sa diwa ng Diyos; nakinig na rin kayo sa maraming talakayan tungkol sa Kanyang disposisyon. Gayunman, sa inyong isipan, ang mga isyung ito at ang katotohanan ng mga aspetong ito ay mga alaala lamang na batay sa teorya at nakasulat na mga salita; sa inyong pang-araw-araw na buhay, walang sinuman sa inyo ang nakaranas o nakakita kailanman sa kung ano ba talaga ang disposisyon ng Diyos. Sa gayon, naguguluhan kayong lahat sa inyong mga paniniwala; lahat kayo ay pikit-matang naniniwala, hanggang sa puntong wala na kayong pagpipitagan sa Diyos at binabalewala pa ninyo Siya. Saan humahantong ang pagkakaroon ninyo ng ganitong klase ng saloobin tungo sa Diyos? Humahantong ito sa palagi ninyong paggawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos. Kapag nagkaroon na kayo ng kaunting kaalaman, masyado na kayong nasisiyahan, na para bang natamo na ninyo ang Diyos sa Kanyang kabuuan. Pagkatapos, ipinapalagay ninyo na ganito ang Diyos, at hindi ninyo Siya hinahayaang kumilos nang malaya. Bukod pa riyan, tuwing may ginagawang bago ang Diyos, sadyang ayaw ninyong tanggapin na Siya ay Diyos. Balang araw, kapag sinabi ng Diyos na, “Hindi Ko na mahal ang sangkatauhan; hindi na Ako maaawa sa mga tao; wala na Akong anumang pagpaparaya o pasensya sa kanila; punung-puno na Ako ng matinding pagkamuhi at pagkainis sa kanila,” ang gayong mga pahayag ay magsasanhi ng pagtatalo sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Sasabihin pa ng ilan sa kanila, “Hindi na Ikaw ang Diyos ko; hindi na Ikaw ang Diyos na nais kong sundin. Kung ganito ang sinasabi Mo, hindi Ka na karapat-dapat na maging Diyos ko, at hindi ko na kailangang patuloy na sumunod sa Iyo. Kung hindi Mo ako kaaawaan, mamahalin, at pagpaparayaan, titigil na ako sa pagsunod sa Iyo. Kung nagpaparaya Ka sa akin nang walang hangganan, lagi Kang nagpapasensya sa akin, at tinutulutan Mo akong makita na Ikaw ay pagmamahal, na Ikaw ay pagpapasensya, at na Ikaw ay pagpaparaya, saka lamang Kita masusunod, at saka lamang ako magkakaroon ng tiwala na sumunod sa Iyo hanggang wakas. Dahil nagpapasensya at naaawa Ka sa akin, maaaring mapatawad ang aking pagsuway at aking mga paglabag nang walang hangganan, at maaari akong magkasala kailanman at saanman, mangumpisal at mapatawad kailanman at saanman, at galitin Ka kailanman at saanman. Hindi Ka dapat magkaroon ng anumang mga opinyon o gumawa ng anumang mga konklusyon tungkol sa akin.” Bagamat walang isa man sa inyo ang maaaring mag-isip tungkol sa ganitong uri ng isyu nang pansarili o sadya, tuwing itinuturing mong kasangkapan ang Diyos na gagamitin para mapatawad ka sa iyong mga kasalanan o isang bagay na gagamitin para magtamo ng magandang hantungan, bahagya mo nang nagawa ang buhay na Diyos bilang kakontra mo, bilang kaaway mo. Ito ang nakikita Ko. Maaari mong patuloy na sabihin ang mga bagay na tulad ng, “Naniniwala ako sa Diyos,” “Hinahangad ko ang katotohanan,” “Nais kong baguhin ang aking disposisyon,” “Nais kong makawala sa impluwensya ng kadiliman,” “Nais kong palugurin ang Diyos,” “Nais kong magpasakop sa Diyos,” “Nais kong maging tapat sa Diyos, at gawin nang maayos ang aking tungkulin,” at iba pa. Gayunman, gaano man katamis pakinggan ang iyong mga salita, gaano man karami ang teoryang maaaring alam mo, at gaano man kahanga-hanga o karangal ang teoryang iyon, ang totoo ay na marami na sa inyo ang natuto na kung paano gamitin ang mga regulasyon, doktrina, at teoryang napagdalubhasaan ninyo upang gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos, sa gayon ay likas ninyo Siyang ginagawang kakontra ninyo. Bagamat maaaring napagdalubhasaan mo na ang mga titik at mga doktrina, hindi ka pa talaga nakapasok sa realidad ng katotohanan, kaya napakahirap para sa iyo ang makalapit sa Diyos, makilala Siya, at maunawaan Siya. Lubhang nakakalungkot iyan!

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain”

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin