Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 13: Isang Tampok na Panayam sa Dating Propesyonal na Manlalaro ng Soccer na si Juan Ignacio ng Chile
Setyembre 17, 2026
Si Juan Ignacio ay isang dating propesyonal na manlalaro ng soccer mula sa Chile. Sa loob ng maraming taon, inasam niyang gumawa ng pangalan para sa sarili niya bilang isang propesyonal. Para mangyari iyon, nagsanay siya na parang baliw, patuloy na hinahabol ang mga kampeonato at karangalan. Kalaunan, nagkatotoo ang pangarap niya—pumirma siya sa isang propesyonal na club at tumuntong sa propesyonal na field. Pero noong mismong inakala niyang napapalapit na siya sa tuktok, biglang nabasag ang pangarap niya sa propesyonal na soccer. Dahil hindi matanggap ang kabiguan, nanatili siyang nahuhumaling sa pagsikat. Desperado siyang makabalik sa propesyonal na field, pero hindi kailanman dumating ang pagkakataong iyon. Habang unti-unting lumalayo ang pangarap niya, nasira ang pamilya niya, halos hindi niya mairaos ang pang-araw-araw na pamumuhay, at sa huli ay bumagsak siya sa pinakasadlak na kalagayan. Sa gitna ng kanyang pasakit at kawalan ng pag-asa, nagsimulang magdasal si Juan sa Diyos at pinag-isipan niyang muli ang buhay na labis niyang kinahumalingang habulin. Bakit ang pangarap na ipinaglaban niya nang husto ay nagdulot lamang sa kanya ng paghihirap sa huli? Talaga bang mababago ng isang tao ang kanyang kapalaran sa pamamagitan lang ng pagsusumikap? At pagkatapos bumagsak sa pinakasadlak na kalagayan, anong klaseng pagbabago ang naghihintay sa kanya?
Maligayang pagdating sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian. Samahan ninyo kami habang pinapakinggan natin ang tunay na kuwento ng dating propesyonal na manlalaro ng soccer ng Chile na si Juan Ignacio—mula sa paghahabol sa kasikatan at pakinabang hanggang sa tuluyang pagkakahanap sa tunay na direksyon niya sa buhay.
00:36 Profile: Mula sa Isang Batang Mahilig sa Soccer Hanggang sa Isang Propesyonal
03:25 Isang Pangarap Mula Pagkabata na Maging Propesyonal
10:34 Pag-dive Para Maipanalo ang Kampeonato
18:35 Mula Limang Sunod-sunod na Kampeonato Hanggang sa Limang Taong Ban
24:39 Mula sa Pinakasadlak na Kalagayan Hanggang sa Propesyonal na Field
31:34 Bakit Biglang Nagwakas ang Pangarap Niyang Maging Propesyonal?
40:19 Dahil sa Pagkahumaling sa Pangarap, Nawalan Siya ng Pamilya
50:29 Nabasag ang Kanyang Pangarap, Bumagsak Siya sa Pinakasadlak na Kalagayan
56:41 Inilantad ng mga Salita ng Diyos ang Ugat na Sanhi ng Kanyang Pasakit
01:02:31 Halos Masira ang Buhay Niya sa Paghahabol sa Kasikatan at Pakinabang
01:12:12 Ibinigay Niya ang Lahat: Bakit Hindi Niya Mabago ang Kanyang Kapalaran?
01:22:36 Pagbitiw sa Kasikatan at Pakinabang Para Makahanap ng Kapayapaan
Iba pang mga Uri ng Video