Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 12: Isang Tampok na Panayam sa Negosyante sa Pagpapatalastas na si Elianna Gallardo ng Venezuela

Setyembre 8, 2026

Si Elianna Gallardo ay minsan nang naging isang matagumpay na negosyante sa pagpapatalastas at media sa Venezuela. Ang mga karanasan niya sa kahirapan at ang pangmamaliit sa kanya noong bata pa siya ang nagtulak sa kanya mula pagkabata para baguhin ang buhay niya at magtamo ng kayamanan at katayuan sa lipunan. Sa udyok ng paniniwalang ito, walang-tigil siyang nagtrabaho mula sa murang edad, at kalaunan ay nakapagtayo siya ng sarili niyang ahensiya sa pagpapatalastas. Namayagpag ang negosyo niya, at sa wakas ay nakapasok siya sa mga grupo ng mayayaman na matagal na niyang inasam na salihan. Gayumpaman, sa sandaling talagang nakamit na niya ang kayamanan at katayuan, ang nahanap niya ay hindi ang kaligayahang inisip niya, kundi isang mas lumalalim na pakiramdam ng pagkabalisa at kawalan ng kapanatagan. Kalaunan, nagsara ang ahensiya niya at nasadlak sa krisis ang pamilya niya, pero ayaw niyang tanggapin ang pagbagsak niya. Sa loob ng mahigit isang dekada, nagkandarapa siyang makabangong muli hanggang sa mapagod siya sa pisikal at mental na aspekto. Noong 2020, ang biglaang pagputok ng pandemya ang nagtulak sa kanya at sa pamilya niya sa bingit ng kawalan ng pag-asa. Dahil wala na siyang malapitan, nagsimula siyang dumaing sa Diyos, at tumahak sa isang ganap na bagong paglalakbay ng paghahanap. Anong uri ng punto ng pagbabago ang naghihintay sa kanya sa buhay?

Maligayang pagdating sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian. Samahan kami na pakinggan ang tunay na karanasan ni Elianna mula sa paghahabol sa kayamanan tungo sa muling pagtuklas ng kanyang tunay na direksyon sa buhay.

03:39 Pagpapasya na Yumaman Mula sa Murang Edad

12:05 Mula sa Pagiging Minamaliit Hanggang sa Pagtatagumpay Bilang Negosyante

20:13 Pumasok Siya sa Grupo ng mga Elite Pero Nawala ang Kanyang Panloob na Kapayapaan

33:00 Bumagsak sa Pinakababa, Pero Nahumaling Pa Ring Makabangong Muli

39:17 Nang Umabot sa Landas na Walang Patutunguhan, Nagsimula Siyang Dumaing sa Diyos

43:44 Naghahanap sa Dilim, Nakita Rin Niya sa Wakas ang Liwanag

53:28 Ginising Siya ng mga Salita ng Diyos Mula sa Pagkaalipin sa Pera

01:05:24 Pagtigil sa Kanyang Pagpupumiglas Laban sa Kapalaran at Pagkakamit ng Panloob na Kapayapaan

01:19:50 Sa Pagbitiw sa Paghahangad ng Kayamanan, Nakahanap Siya ng Bagong Buhay

01:26:29 Nagbalik ang Kapayapaan at Init sa Isang Tahanang Laging May Pag-aaway

01:31:16 Ibinahagi ng Asawa Niya ang mga Pagbabago sa Kanya

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin