Christian Dance | "Dumating Na ang Kaharian ni Cristo sa Gitna ng Sangkatauhan" | Praise Song
Hunyo 26, 2025
I
Dumating na ang kaharian ni Cristo sa gitna ng tao.
Nilupig ng salita ng Diyos ang buong daigdig.
Naghahari ang salita ng Diyos sa lupa.
Ang lahat ay naitatatag at nakokompleto sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
Ang lahat ng bagay ay napapanibago at nababago ng salita ng Diyos.
Nakikita natin ang mga gawa ng Diyos—lubos na kumbinsido, pinupuri natin Siya.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Nagkamit na ang Makapangyarihang Diyos ng kaluwalhatian.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Natupad na ang kaharian ni Cristo sa lupa.
Ang mga salita ng Diyos ay pumupuno sa langit at lupa—
namumuhay tayo sa loob ng Kanyang mga salita.
Ang mga salita ng Diyos ay kasama sa ating mga kaisipan, ideya, at bawat galaw.
II
Ang umiiral-sa-sarili, walang-hanggang nag-iisang tunay na Diyos,
ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos,
ang Iyong salita ay nagpakita sa katawang-tao,
totoo at matingkad sa paningin ng lahat.
Ang mga salitang Iyong winika, mula pa noong unang panahon hanggang ngayon,
ay isa-isang natutupad at naisasakatuparan.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Ipinapakita ng salita ng Diyos ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Ang salita ng Diyos ang tumutupad sa lahat ng bagay.
Ang Makapangyarihang Diyos ang bukal ng tubig na buhay,
na walang hanggang dumadaloy para matamasa ng lahat.
Dinidiligan at tinutustusan Niya tayo para tayo ay lumago;
kasama natin ang Kanyang mga salita habang tayo ay nabubuhay.
III
Dinaranas natin ang paghatol ng Diyos, gayundin ang mga pagsubok at pagpipino.
Iwinawaksi natin ang katiwalian at nalilinis tayo;
ang ating buhay disposisyon ay nababago.
Natututo tayong matakot sa Diyos at magpasakop sa Kanya.
Isinasabuhay natin ang wangis ng tao,
at nagpapasalamat tayo sa Diyos para sa Kanyang pagliligtas.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Pinupuri natin ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Nilinis at iniligtas tayo ng Diyos.
Tinatanggap natin ang paghatol at tinatamo ang pagliligtas ng Diyos,
nagiging mga bagong tao at nabubuhay sa liwanag.
Habambuhay tayong nagpapatirapa sa pagsamba sa harap ng Diyos,
habambuhay na umaawit ng mga papuri sa Kanya.
IV
Ang kagandahan ng kaharian ay maliwanag at walang hanggan.
Ipinoproklama ng buong mundo ang salita ng Diyos.
Nagbabalik ang di-mabilang na tao ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
dumarating para sambahin ang Makapangyarihang Diyos.
Ang lahat ng tao ng Diyos ay nagpapasailalim sa harap ng Kanyang salita,
gumagawa ng tungkulin at nagpapatotoo sa Diyos.
Ang buong sansinukob ay humuhugos sa pagdiriwang.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Pinupuri natin ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos.
Sumisigaw tayo sa galak! Umaawit tayo!
Natapos na ang dakilang gawain ng Diyos!
Ang Makapangyarihang Diyos ang personal na umaakay sa atin.
Ginapi Niya si Satanas at napagtagumpayan ang lahat ng Kanyang mga kalaban.
Pumapasok tayo sa kaharian ni Cristo at nagtatamasa ng kasaganaan ng Diyos;
walang kapantay ang ating kasiyahan.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video