Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paghatol sa mga Huling Araw | Sipi 81

Oktubre 21, 2022

Hindi inuulit ng Diyos ang gawain sa anumang kapanahunan. Dahil dumating na ang mga huling araw, gagawin Niya ang gawaing ginagawa Niya sa mga huling araw at ibubunyag ang Kanyang buong disposisyon sa mga huling araw. Kapag pinag-uusapan ang mga huling araw, tumutukoy ito sa nakahiwalay na kapanahunan, kung saan sinabi ni Jesus na tiyak kayong makararanas ng sakuna, at makararanas ng mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay isang bagong kapanahunan at hindi na ang dating Kapanahunan ng Biyaya. Kung, katulad ng sinasabi ng mga tao, ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, ang Kanyang disposisyon ay laging mahabagin at mapagmahal, na mahal Niya ang tao gaya ng pagmamahal Niya sa Kanyang sarili, at naghahandog Siya ng kaligtasan sa bawat tao at hindi kailanman kinasusuklaman ang tao, matatapos ba ang Kanyang gawain? Nang dumating si Jesus at ipinako sa krus, at inialay Niya ang Kanyang sarili para sa lahat ng makasalanan at inihandog ang Kanyang sarili sa altar, naisakatuparan na Niya ang gawain ng pagtubos at naihatid na ang Kapanahunan ng Biyaya sa katapusan nito. Kaya ano ang magiging saysay ng pag-uulit sa gawain ng kapanahunang iyon sa mga huling araw? Hindi ba’t ang paggawa ng parehong bagay ay pagtanggi sa gawain ni Jesus? Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawain ng pagpapapako sa krus noong Siya ay dumating sa yugtong ito, kundi nanatiling mahabagin at mapagmahal, madadala ba Niya ang kapanahunang ito sa katapusan? Mawawakasan ba ng isang mahabagin at mapagmahal na Diyos ang kapanahunang ito? Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan inihahayag Niya ang lahat ng di-matuwid, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto ang mga nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong tulad nito ay puno ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagpapahayag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay ipinamamalas para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi sa ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon na lamang at nang walang kabuluhan. Ipagpalagay na sa pagbubunyag ng kalalabasan ng tao sa mga huling araw, igagawad pa rin ng Diyos sa tao ang walang-hanggang awa at pagmamahal at patuloy na magiging mapagmahal sa mga tao, hindi isasailalim ang tao sa matuwid na paghatol kundi magpapakita sa kanya ng pagpaparaya, pagtitiis, at pagpapatawad, at papatawarin ang tao gaano man katindi ang mga kasalanan niya, nang wala ni katiting na matuwid na paghatol; kailan kung gayon magwawakas ang buong pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang mga tao patungo sa nararapat na hantungan ng sangkatauhan? Gawing halimbawa, ang isang hukom na laging mapagmahal, may maamong mukha at magiliw na puso. Mahal niya ang mga tao anuman ang kanilang mga nagawang krimen, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kung gayon, kailan siya makaaabot sa isang makatwirang hatol? Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapaghihiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdadala sa tao sa isang bagong kaharian. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay dadalhin sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3

Inuuri ng Matuwid na Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang Sangkatauhan

I

Sa huling gawain Niya ng pagwawakas ng panahon, disposisyon Niya'y pagkastigo, ihayag lahat ng 'di matuwid at hayagang hatulan ang tao, perpektuhin yaong mahal Siyang tunay. Disposisyong 'to'ng makakatapos sa panahon. Narito'ng mga huling araw, nilikha'y ibubukod ayon sa uri't kalikasan. 'To'ng sandaling ibubunyag Niya'ng katapusan at hantungan ng tao. Kung walang paghatol, pagsuway ng tao't 'di pagiging matuwid ay 'di malalantad. Sa pagkastigo at paghatol lang kita'ng katapusan ng nilikha't tunay na kulay ng tao'y hayag. Masama'y sa masama, mabuti sa mabuti. Masama'y parurusahan, mabuti'y gagantimpalaan. Tao'y pagbubukurin ayon sa uri, sasailalim sa kapangyarihan Niya.

II

Katiwalian ng tao'y umabot na sa sukdulan, pagsuway nila ay matindi. Matuwid na disposisyon ng Diyos lang, isa na pagkastigo't paghatol, buong magpapabago't kukumpleto sa tao, kasamaa'y ilantad, parusahan ang 'di matuwid. Ganitong disposisyo'y taglay ang kabuluhan ng panahon. Inihahayag disposisyon Niya para sa gawain ng bagong panahon. 'Di Niya ginagawa nang sapalaran o walang kabuluhan. Sa pagkastigo at paghatol lang kita'ng katapusan ng nilikha't tunay na kulay ng tao'y hayag. Masama'y sa masama, mabuti sa mabuti. Masama'y parurusahan, mabuti'y gagantimpalaan. Tao'y pagbubukurin ayon sa uri, sasailalim sa kapangyarihan Niya.

III

Kung sa mga huling araw 'pag katapusan ng tao'y ibunyag, 'bubuhos pa rin ng Diyos habag at pag-ibig, 'di humahatol, kundi mapagparaya, mapagpatawad, ga'no man katindi'ng kasalanan ng tao, kailan magtatapos plano Niya ng pamamahala at marating ng tao'ng kapalarang nararapat? Sa pagkastigo at paghatol lang kita'ng katapusan ng nilikha't tunay na kulay ng tao'y hayag. Masama'y sa masama, mabuti sa mabuti. Masama'y parurusahan, mabuti'y gagantimpalaan. Tao'y pagbubukurin ayon sa uri, sasailalim sa kapangyarihan Niya. Matuwid na paghatol lang ang makapag-uuri sa tao dalhin sila sa bagong kaharian, kaya matuwid na disposisyon Niya'ng magtatapos ng buong panahon.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin