Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Totoo Bang Lahat ng Gawain at mga Salita ng Diyos ay Nasa Biblia?

Enero 7, 2022

Ang Tagapagligtas na Makapangyarihang Diyos ay nagpakita na at gumagawa sa mga huling araw, at Siya'y nagpahayag ng milyun-milyong salita. Ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, isang koleksyon ng Kanyang mga salita, ay makikita online. Hindi lang nito ginimbal ang relihiyosong mundo, kundi ang buong mundo mismo. Maraming tao na uhaw sa katotohanan ang nakakitang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, kinilala Siya bilang ang Panginoong Jesus na nagbalik, at lumapit sa harap ng trono ng Diyos. Pero kahit marami sa relihiyosong mundo ang kumikilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na makapangyarihan at maawtoridad ang mga ito, ipinagpipilitan pa rin nilang ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Bibliang lahat at walang matatagpuan sa labas nito. Dahil iniisip nilang ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay lumalagpas sa Biblia, itinatanggi at kinokondena nila ito, at bilang resulta, napapalagpas nila ang kanilang pagkakataong salubungin ang Panginoon bago ang mga sakuna at nasasadlak sa mga sakuna. Kaya ano ba talaga ang mali sa ideyang "ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito"? Gagabayan kayo ng episode na ito na hanapin ang katotohanan, malaman ang tungkol sa kuwento sa loob ng Biblia, at mahanap ang kasagutan.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin