Christian Music | "Kasingsimple ba ng Sinasabi Mo ang Diyos?"

Hunyo 16, 2020

Sa loob ng napakaraming taon na ito,

ang nakita na ng mga tao ay hindi lamang ang Espiritu

at hindi lamang isang tao, isang lalaki,

kundi maraming bagay rin na hindi tugma sa mga pagkaunawa ng tao,

at sa gayon ay hindi kailanman nila Siya lubos na naaarok.

Patuloy sila sa kalahating paniniwala at kalahating pag-aalinlangan sa Kanya,

na Siya ay mistulang umiiral at gayon man ay isa ring panaginip.

Kaya hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng mga tao kung ano ang Diyos.

Maaari mo ba talaga Siyang ibuod sa isang simpleng pangungusap?

Talaga bang naglalakas-loob kang sabihing

"Si Jesus ay walang iba kundi ang Diyos, at ang Diyos ay walang iba kundi si Jesus"?

Ikaw ba ay talagang napakatapang na magsasabing

"Ang Diyos ay walang iba kundi ang Espiritu,

at ang Espiritu ay walang iba kundi ang Diyos"?

Ikaw ba ay kumportable na sabihing

"Ang Diyos ay isang persona lamang na nadaramitan ng katawang-tao"?

Ikaw ba ay talagang mayroong tapang na igiit na

"Ang larawan ni Jesus ay walang iba kundi ang dakilang larawan ng Diyos?"

Kaya mo bang ipaliwanag nang lubusan ang disposisyon at larawan ng Diyos

gamit ang kahusayan ng iyong talento sa pagsasalita?

Kaya mo bang ipaliwanag nang lubusan ang disposisyon at larawan ng Diyos

gamit ang kahusayan ng iyong talento sa pagsasalita?

Ngayon talaga bang alam mo kung ano ang Diyos?

Ang Diyos ba ay tao? Ang Diyos ba ay isang Espiritu?

Ang Diyos ba ay talagang isang lalaki? Ang Diyos ba ay talagang isang lalaki?

Si Jesus lamang ba ang makakakumpleto sa gawain na nais ng Diyos na gawin?

Kung isa lamang ang pinili mo sa itaas upang ibuod ang Kanyang kakanyahan,

kung gayon ikaw ay napakamangmang na tapat na mananampalataya.

Kung gayon ikaw ay napakamangmang na tapat na mananampalataya.

Kung Siya ay gagawa bilang katawang-tao nang minsan at isang beses lamang,

malilimitahan kaya ninyo Siya?

Talaga bang mauunawaan mo Siya nang lubusan sa isang tingin lamang?

Talaga bang mabubuod mo Siya nang ganap

dahil lamang sa iyong mga natatahakan sa panahon ng iyong buhay?

At kung parehong gawain ang ginagawa Niya sa Kanyang dalawang pagkakatawang-tao,

paano ang magiging pananaw mo sa Kanya?

Maiiwan mo ba Siyang magpakailanmang nakapako sa krus?

Maaari bang maging kasing-simple ng sinasabi mo ang Diyos?

Maaari bang maging kasing-simple ng sinasabi mo ang Diyos?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin