Tagalog Testimony Video | "Hindi Mailarawang Sakit"
Nobyembre 19, 2021
Ang bida ay isang mananampalataya na naaresto ng Partido Komunista. Sa pagsisikap na pilitin siyang pagtaksilan ang Diyos at traydurin ang kanyang mga kapatid, malupit siyang pinahirapan at binantaan ng mga pulis, kahit na alam na alam nilang mayroon siyang mga problema sa puso. Sinampal siya ng mga ito, kinuryente ang pribadong bahagi ng kanyang katawan gamit ang pamalong de-kuryente hanggang mahimatay siya, at pagkatapos ay binugbog siya para gisingin siya upang maipagpatuloy ang pagkuryente sa kanya. Sa kalagitnaan ng taglamig, hinubad ng mga ito ang damit niya at inilantad ang hubad niyang likod sa nagyeyelong hangin sa bintana. Pinilit siya ng mga ito na tumayo sa isang palanggana ng tubig at binuhusan ang ulo niya ng malamig na tubig. Pinahiran pa ng mga ito ang kanyang mga binti ng tubig at nilagyan ng nagyelong basang basahan ang kanyang tiyan. Pinahirapan siya hanggang halos mamatay na siya. Sa gitna ng kanyang pasakit, paulit-ulit siyang nagdasal sa Diyos, at ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa kanya ng pananampalataya at lakas para makaligtas siya sa pamiminsala ni Satanas at mapanindigan ang kanyang patotoo.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video