Tagalog Christian Music Video | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinakakaibig-ibig"

Hulyo 6, 2022

I

Matapos magkatawang-tao ang Diyos, mamuhay kabilang ng sangkatauhan,

nakita Niya'ng pagkalugmok ng tao, ang sitwasyon ng buhay nila.

Lubos na nadama ng nagkatawang-taong Diyos ang kaawa-awa't

nakakalungkot na estado ng sangkatauhan.

Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya

mula sa Kanyang katawang-taong kalikasan.

II

Sa puso ng Diyos, yaong nais Niyang pamahalaa't iligtas ang pinakamahalaga;

sila'y pinahahalagahan higit sa lahat.

Nagbayad Siya ng malaking halaga; tiniis ang paghihimagsik at pananakit.

Ngunit 'di Niya itataboy ang tao, walang humpay sa gawain Niya,

nang walang pagsisisi, walang reklamo.

Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya.

Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya

mula sa Kanyang katawang-taong kalikasan.

III

'Di Niya itataboy ang tao, walang humpay sa gawain Niya.

Ito'y dahil alam Niyang sa malao't madali,

magigising ang mga tao sa tawag Niya't

maaantig ng Kanyang mga salita,

makikilalang Siya ang Panginoon ng paglikha,

at magbabalik sa piling Niya …

Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya.

Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,

at mas nagmalasakit sa mga tagasunod Niya

mula sa Kanyang katawang-taong kalikasan.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger