Tagalog Testimony Video | "Ibinunyag Ako ng Pagkakaaresto sa Aking Anak"
Pebrero 19, 2025
Inaresto ng mga pulis ang anak na babae ng bida, at dahil sa pag-aalala na maaaring mabaldado o mamatay ang kanyang anak sa bugbog, nagkaroon siya ng isang kuru-kuro: Kung mahal ng Diyos ang tao, bakit hindi Nito pinoprotektahan ang kanyang anak, na gumugugol ng sarili para sa Diyos nang buong oras? Sa kanyang paghihinagpis, hinanap niya ang katotohanan at naunawaan niyang ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lamang tungkol sa awa, mapagmahal na kabaitan, at pagkakaloob ng biyaya at mga pagpapala. Ang pag-uusig at mga kapighatian, pati na ang mga pagsubok at pagpipino, ay lalo pa ngang kapaki-pakinabang para makilala ng isang tao ang kanyang sarili at makapasok sa katotohanang realidad. Karagdagan pa itong pagliligtas at pag-ibig ng Diyos. Sa pagkatanto nito, inihahabilin niya ang kanyang anak sa Diyos at taos-puso siyang nagpapasakop sa Kanyang pamamatnugot at mga pagsasaayos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video