Tagalog Testimony Video | "Naglalakas-loob Na Ako Ngayong Harapin ang Aking mga Problema"
Oktubre 11, 2025
Responsable si Yu Xun sa gawain ng iglesia. Isang araw, nakatanggap siya ng sulat mula sa nakatataas na lider na nagtatanong kung bakit mahina ang mga resulta sa iba't ibang gampanin ng gawain. Nangangamba siya na baka paraan lang iyon ng lider para tanggalin siya sa tungkulin, kaya naging balisa siya at nag-aalinlangan kung paano tutugon. Ano ang mga kabatiran, pagkaunawa, at pagbabagong natamo niya sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos? Panoorin ang patotoong ito na batay sa karanasan, "Naglalakas-loob Na Ako Ngayong Harapin ang Aking mga Problema" para malaman.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video