Tagalog Testimony Videos, Ep. 885: Natutuhan Ko Nang Tratuhin Nang Wasto ang Aking Tungkulin
Abril 14, 2026
Habang lumalaki, nakita niya na ang kanyang ina ang responsable sa mga gawaing-bahay, na ang kanyang ama ang responsableng kumita ng pera, at maging ang kanyang mga kamag-anak at kapitbahay ay sumusunod din sa kalakarang "Ang mga lalaki ang dapat magtrabaho sa labas at ang mga babae ang gumagawa sa loob ng bahay." Kaya naniwala siya na ang paggawa ng gawaing-bahay ay tanda ng pagiging babae. Matapos manalig sa Diyos, isinaayos ng iglesia na gawin niya ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay. Inakala niya na ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ay para sa mga babae, at na nakakahiya para sa isang lalaking nasa hustong gulang na manatili sa kusina. Naramdaman niyang nasasakal at napipigilan siya, at ginawa lang niya ang kanyang tungkulin nang pabasta-basta. Hanggang sa nabasa niya ang mga salita ng Diyos, saka niya naunawaan ang tunay na kabuluhan ng kanyang mga tungkulin at sa wakas ay nakaramdam siya ng paglaya, at sinimulan niyang ilaan ang kanyang sarili sa paggawa ng kanyang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay nang buong taimtim.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video