Tagalog Testimony Video | "Hindi Ko Na Iniiwasan ang Tungkulin Ko"
Nobyembre 18, 2022
Ang pangunahing tauhan ay napili para sa isang posisyon sa pamumuno na namamahala sa gawain ng ilang iglesia. Gayunpaman, pakiramdam niya ay isang mabigat na responsibilidad ito at ayaw niya itong tanggapin, nag-aalala na maaantala ang gawain kapag hindi niya magawa nang maayos ang kanyang tungkulin at pagkatapos ay aalisin ang kanyang pagkakataon na gampanan ang isang tungkulin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya na iniiwasan niya ang tungkuling iyon dahil labis siyang nakatutok sa kanyang mga inaasam-asam at patutunguhan sa hinaharap, kaya nag-iingat siya sa Diyos at may maling pagkaunawa sa Kanya. Pagkatapos ay binago niya ang kanyang pananaw sa tungkuling ito at nakitang atas ito ng Diyos: May kinabukasan man siya o hantungan, dapat niya itong tanggapin. Ang karanasang ito ay nagbigay sa kanya ng mas praktikal na pagkaunawa na ang tungkuling ito ay maaaring magpuno sa kung ano ang kulang sa kanya, at na ito ay isang pagpapala mula sa Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video