Tagalog Testimony Video | "Paano Tratuhin ang Pag-aaruga at Pagprotekta ng Isang Ama"

Hunyo 11, 2025

Noong si Mu Xi, ang bida, ay 11 taong gulang, umalis sa bahay ang nanay niya para matakasan ang pagtugis ng CCP dahil sa pananampalataya niya sa Diyos, kaya ang tatay niya ang naiwang mag-isa para magpalaki sa kanya. Nang lumaki na siya, nagpasya si Mu Xi na tuparin ang responsabilidad niya bilang anak sa tatay niya. Gayumpaman, inaresto siya ng CCP at sinentensiyahan ng dalawa at kalahating taon sa kulungan para sa pananalig niya sa Diyos. Pagkalaya niya, nalaman niya na lumala ang kondisyon ng rayuma ng tatay niya. Gusto niyang manatili sa tabi nito para alagaan ito, pero dahil sa pagsubaybay ng kapulisan ay imposible na makadalo siya sa mga pagtitipon at gawin ang tungkulin niya kung mananatili siya sa bahay nila. Nang maisip niya na gawin ang tungkulin niya nang labas sa bayan nila, nagtalo ang kalooban niya—atubuli siyang iwan ang tatay niya at nakokonsensiya siya. Paano naunawaan ni MuXi ang mahirap na desisyong ito, at paano niya dapat wastong tratuhin ang kabaitan ng tatay niya?

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin