Christian Dance | "Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilikha" | Praise Song

Mayo 29, 2024

I

Madalas ay gusto kong humiyaw, ngunit parang walang tamang lugar.

Madalas ay gusto kong kumanta nang malakas,

ngunit hindi ko makuha ang tamang tono.

Madalas ay gusto kong ipahayag ang pag-ibig ng isang nilikha.

Ako ay naghanap sa lahat ng dako, ako ay naghanap sa lahat ng dako,

ngunit hindi ko maisip ang tamang mga salita.

Makapangyarihang Diyos, Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Puso ko'y lumulundag, mga kamay ko'y nagsasayaw,

upang purihin ang Iyong pagparito sa mundong ito.

II

Ang tao'y mula sa alabok,

nang walang anumang buhay, nang walang anumang buhay.

Nilikha ng Diyos ang tao, at binigyan Niya ang tao ng hininga ng buhay

para ito ay mabuhay sa lupa.

Nakakalungkot na ginawang tiwali ni Satanas ang tao,

nawala na ang kanilang katwiran at konsensiya.

Sa bawat henerasyon, sila ay nagsisibagsakan hanggang sa kasalukuyan.

Makapangyarihang Diyos, Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Ako'y alabok ngunit nakikita ko ang Iyong maluwalhating mukha.

Paanong hindi ako yuyuko at sasamba sa Iyo?

III

Nilikha at minamahal ng Diyos ang tao,

kaya nagkatawang-tao Siyang muli upang iligtas ito.

Tiniis Niya ang pamamahiya at lahat ng uri ng pasakit,

at natikman niya ang lahat ng katamisan at kapaitan ng buhay,

upang ang tao ay madala sa magandang hantungan.

Sa pagsapit sa atin ng gayong kaligtasan,

paanong hindi natin Siya pasasalamatan nang walang hanggan?

Makapangyarihang Diyos, Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Labis akong nagawang tiwali, pero ngayon ay iniligtas Mo ako.

Paanong hindi ako yuyuko at sasamba sa Iyo?

IV

Ngayon ako'y naligtas at tumatahak sa tamang landas,

dahil lamang sa biyaya't pagpapala ng Diyos.

Tinatamasa ko ang mga salita ng Diyos at dinaranas ko ang Kanyang paghatol,

nalalaman ko ang Kanyang katuwiran at kabanalan.

Sa pagtitiis Niya ng lahat ng uri ng pang-uusig, pasakit at paghihirap,

napagtanto ko na ang Diyos lamang ang pinakakaibig-ibig.

Sa pagdanas ng gawain ng Diyos, ako ay nalinis,

at sa wakas ay namumuhay sa liwanag.

Makapangyarihang Diyos, Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Sa pagpapasakop sa Iyong mga pagsasaayos, sa pagtugon sa iyong mga layunin,

hindi na ako nagpapasya ng anupaman para sa sarili ko.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin