Christian Dance | "Ang Pinakadakilang Kaligayahan ay ang Tunay na Ibigin ang Diyos" | Praise Song

Hulyo 10, 2024

I

Sa wakas atin nang narinig ang tinig ng Diyos

at naibangon tayo sa harapan ng Kanyang trono.

Ating kinakain at iniinom at tinatamasa ang mga salita ng Diyos,

namumuhay tayo sa liwanag ng Kanyang mukha.

Nagbabahaginan tungkol sa katotohanan at nag-uusap tungkol sa ating mga karanasan,

puno ng galak ang ating puso.

Nararanasan ang mga salita ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan,

ang ating espiritu ay pinakawalan at malaya.

Woah…Woah…

Sumasailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos at nililinis,

tayo'y naging mga bagong tao.

Hinahangad natin ang katotohanan upang makamit ang buhay.

Tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakadakilang kaligayahan.

II

Sumasailalim sa paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo,

nakita na natin ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan.

Ang mga salita ng Diyos ay matalas na espadang may magkabilang talim,

na tumatagos sa ating puso at espiritu.

Nauunawaan ang katotohanan at nakikilala ang ating sarili,

mayroon tayong landas sa buhay pagpasok.

Nakikita ang ating satanikong kalikasang diwa,

napagpasyahan nating magsisi at maging bagong tao.

Woah…Woah…

Sumasailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos at nililinis,

tayo'y naging mga bagong tao.

Hinahangad natin ang katotohanan upang makamit ang buhay.

Tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakadakilang kaligayahan.

III

Tunay na nagmamahal sa Diyos at tumutupad sa ating mga tungkulin,

tunay na tayo'y pagpapalain ng Diyos.

Tinatalikuran natin ang lahat upang sundan Siya

at nagdadala ng umaalingawngaw na patotoo.

Determinado tayo sa harap ng Diyos,

sumusumpa na magiging tapat tayo hanggang wakas.

Sa gitna ng pangungutya, paninira, pang-aapi, at paghihirap,

hinding-hindi tayo aatras.

Woah…Woah…

Sumasailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos at nililinis,

tayo'y naging mga bagong tao.

Hinahangad natin ang katotohanan upang makamit ang buhay.

Tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakadakilang kaligayahan.

Hinahangad natin ang katotohanan upang makamit ang buhay.

Tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakadakilang kaligayahan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger