Tagalog Christian Music Video | "Ano ang Matinding Pasakit na Pinagdurusahan ng Diyos?"
Setyembre 15, 2023
I
May nagsisimpatiya sa lagay ni Cristo
dahil may talata sa Biblia'ng nagsasabing:
"Ang soro'y may lungga't, ang ibo'y may pugad;
ngunit ang Anak ng tao'y walang mahihigaan."
Isinasapuso nila 'to't naniniwalang
ito'ng pinakamalaking
pagdurusa ng Diyos, ni Cristo.
Ang katunayan, 'di naniniwala ang Diyos
na kahirapang ito'y pagdurusang tinitiis Niya.
Kailanma'y 'di Siya dumaing
sa kawalan ng katarungan
dahil sa Kanyang paghihirap sa katawan;
kailanma'y 'di Siya humingi ng bayad
o gantimpala sa tao. Nguni't,
'Pag nakikita ng Diyos ang kasamaan ng tao
at ang tiwaling pamumuhay nila,
at na 'di sila makatakas sa hawak ni Satanas,
namumuhay sa kasalana't
'di alam ang katotohanan,
araw-araw nadaragdagan
pagkasuklam Niya sa tao't
'di matiis ang mga kasalanan nila,
nguni't dapat pa rin Niyang tiisin ang lahat ng ito.
Ito ang matinding pagdurusa ng Diyos.
II
'Di ganap na maihayag ng Diyos
sa mga tagasunod ang puso Niya,
at wala sa kanila ang nakakaintindi ng pasakit Niya.
Ni walang sumusubok umunawa
o umaliw sa Kanyang pusong
nagdurusa taon-taon at araw-araw.
'Di nais ng Diyos na bayaran Siya
sa lahat ng binigay Niya,
nguni't ang diwa Niya'y 'di magtitiis ng kasalanan.
Nasusuklam Siya sa kasamaan nila't katiwalian,
kaya walang wakas ang Kanyang pagdurusa.
Mayro'on ba sa inyong nakakita nito?
Malamang wala sa inyong nakakakita,
dahil wala sa inyo'ng
talagang nakakaunawa sa Diyos.
'Pag nakikita ng Diyos ang kasamaan ng tao
at ang tiwaling pamumuhay nila,
at na 'di sila makatakas sa hawak ni Satanas,
namumuhay sa kasalana't
'di alam ang katotohanan,
araw-araw nadaragdagan
pagkasuklam Niya sa tao't
'di matiis ang mga kasalanan nila,
nguni't dapat pa rin Niyang tiisin ang lahat ng ito.
Ito ang matinding pagdurusa ng Diyos.
'Pag nakikita ng Diyos ang kasamaan ng tao
at ang tiwaling pamumuhay nila,
at na 'di sila makatakas sa hawak ni Satanas,
namumuhay sa kasalana't
'di alam ang katotohanan,
araw-araw nadaragdagan
pagkasuklam Niya sa tao't
'di matiis ang mga kasalanan nila,
nguni't dapat pa rin Niyang tiisin ang lahat ng ito.
Ito ang matinding pagdurusa ng Diyos.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video