Tagalog Testimony Video | "Pananampalataya: Ang Pinagmumulan ng Lakas"

Abril 29, 2022

Ang pangunahing tauhan ay isang Kristiyano na taga-Myanmar na online na tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kaya lang, sinubukang makialam ng kanilang mga pastor sa kanyang bagong natagpuang pananampalataya. Nagpakalat ng mga tsismis at kasinungalingan ang mga ito, na nagtulak sa kanyang asawa at nanay na tutulan ang kanyang pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Sinubukan pa nga ng asawa niya na gipitin siya sa pamamagitan ng pananakot na ididiborsiyo siya. Naging miserable at matamlay siya dahil sa mga problema niyang ito sa pamilya, at sinisi niya ang Diyos dahil hindi Niya pinanatili ang magandang samahan ng kanyang pamilya. Ganyunpaman, sa pamamagitan ng paggabay at pagbibigay ng kaliwanagan ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya ang mali sa kanyang mga ideya tungkol sa pananampalataya sa Diyos at nagkaroon siya ng lakas na tumayong saksi. At sa dakong huli, parehong tinanggap ng asawa't nanay niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagkaroon sila ng kakayahang kilatisin ang asal ng mga pastor.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin