Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 24: Malupit na Pinahirapan ang mga Kristiyano sa Kulungan Dahil sa Pagtangging Pumirma sa Tatlong Pahayag
Agosto 26, 2026
Para pilitin ang mga Kristiyano na pumirma sa Tatlong Pahayag at talikuran ang kanilang pananalig, walang inuurungan ang masamang CCP. Gumagamit ito ng mga taktika tulad ng sapilitang pagpapabago, pagpapahirap, pisikal na pang-aabuso, pagkakait ng mga pangunahing pangangailangan, at personal na panghihiya. Si Lin Fang, isang Kristiyano mula sa Nanchang, Lalawigan ng Jiangxi, ay dalawang beses na inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at nasentensiyahan ng pagkakakulong. Patuloy siyang tumanggi na pumirma sa Tatlong Pahayag. Sa loob ng malademonyong kulungan, gumamit ang mga guwardiya ng iba't ibang sukdulang paraan para pahirapan siya, at isinailalim siya sa nakakakilabot na pagpapahirap at pang-aabuso. Sa murang edad, nagkaroon siya ng mga sakit tulad ng rayuma, hika, herniated disc, at pananakit ng balakang. Sa araw na natapos ang kanyang sentensiya, diniretso siya sa isang sentro ng pagbi-brainwash para sa karagdagang indoktrinasyon, at kahit pagkauwi niya, isinailalim pa rin siya sa pagmamanman at kontrol … Panoorin ang episode na ito.
00:21 Mga Tampok na Bahagi
06:11 Ang Unang Pagkaaresto at Pagkasentensiya sa Kulungan ni Lin Fang
09:56 Ang Ikalawang Pagkaaresto at Pagkasentensiya ni Lin Fang, at Kung Paanong Walang Inurungan ang mga Guwardiya sa Kulungan Para Malupit Siyang Abusuhin at Piliting Isulat ang Tatlong Pahayag
37:10 Sa Araw na Natapos ang Sentensiya Niya, Dinala si Lin Fang sa Isang Sentro ng Pagbi-brainwash Dahil Patuloy Siyang Tumatanggi na Isulat ang Tatlong Pahayag, at Nanatili Siya sa Ilalim ng Pagmamanman at Kontrol Pagkauwi
41:48 Pangwakas na Pananalita
50:46 Impormasyon tungkol sa mga Salarin
Iba pang mga Uri ng Video