Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng mga Pagkaintindi ng mga Relihiyon | Sipi 291

Abril 19, 2021

Ang layunin ng paglupig sa iyo ngayon ay upang kilalanin mo na ang Diyos ay iyong Diyos at Diyos din ng iba, at ang pinakamahalaga ay Siya ang Diyos ng lahat ng nagmamahal sa Kanya, at ang Diyos ng lahat ng nilikha. Siya ang Diyos ng mga Israelita at ang Diyos ng mga tao sa Egipto. Siya ang Diyos ng mga Briton at ang Diyos ng mga Amerikano. Hindi lamang Siya Diyos nina Adan at Eba, kundi Diyos din ng lahat ng inapo nila. Siya ang Diyos ng lahat ng nasa langit at lahat ng nasa lupa. Lahat ng pamilya, Israelita man sila o Gentil, ay pawang nasa mga kamay ng iisang Diyos. Hindi lamang Siya gumawa sa Israel nang ilang libong taon at minsang isinilang sa Judea, kundi ngayon ay bumaba Siya sa Tsina, ang lugar na ito kung saan nakahimlay na nakapalupot ang malaking pulang dragon. Kung sa pagsilang sa Judea ay naging Hari Siya ng mga Judio, hindi ba sa pagbaba sa piling ninyong lahat ngayon ay naging Diyos Siya ninyong lahat? Ginabayan Niya ang mga Israelita at isinilang Siya sa Judea, at isinilang din Siya sa isang lupain ng mga Gentil. Hindi ba ginagawa ang lahat ng Kanyang gawain para sa buong sangkatauhan na Kanyang nilikha? Mahal ba Niya ang mga Israelita nang isandaang ulit at kinamumuhian ang mga Gentil nang isanlibong ulit? Hindi ba iyan ang inyong kuru-kuro? Hindi totoo na ang Diyos hindi ninyo naging Diyos kailanman, kundi sa halip ay hindi lamang ninyo Siya kinikilala; hindi totoo na ayaw ng Diyos na maging inyong Diyos, kundi sa halip ay ayaw ninyo sa Kanya. Sino sa mga nilikha ang wala sa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat? Sa paglupig sa inyo ngayon, hindi ba ang layunin ay upang kilalanin ninyo na ang Diyos ay walang iba kundi ang inyong Diyos? Kung iginigiit pa rin ninyo na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, at iginigiit pa rin ninyo na ang sambahayan ni David sa Israel ang pinanggalingan ng pagsilang ng Diyos, at na walang bansa maliban sa Israel ang karapat-dapat na “gumawa” ng Diyos, lalong hindi kaya ng sinumang pamilyang Gentil na personal na tanggapin ang gawain ni Jehova—kung ganito pa rin ang iniisip mo, hindi ba matigas ang ulo mo? Huwag kang magtuon palagi sa Israel. Narito mismo ang Diyos sa piling ninyo ngayon. Huwag ka ring tumingala palagi sa langit. Tumigil ka sa pangungulila sa iyong Diyos sa langit! Naparito na ang Diyos sa piling ninyo, kaya paano Siya mapupunta sa langit? Hindi ka naniwala sa Diyos sa loob ng napakahabang panahon, subalit napakarami mong kuru-kuro tungkol sa Kanya, hanggang sa hindi ka nangangahas kahit saglit na isipin na mamarapatin ng Diyos ng mga Israelita na biyayaan kayo ng Kanyang presensya. Lalo pang hindi kayo nangangahas na isipin kung paano ninyo makikita ang Diyos na magpakita nang personal, dahil talagang napakarumi ninyo. Ni hindi ninyo naisip kahit kailan kung paano maaaring personal na bumaba ang Diyos sa isang lupain ng mga Gentil. Dapat Siyang bumaba sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng mga Olivo at magpakita sa mga Israelita. Hindi ba kinamumuhian Niya ang lahat ng Gentil (ibig sabihin, ang mga tao sa labas ng Israel)? Paano Siya personal na gagawa sa kanila? Lahat ng ito ay mga kuru-kuro na malalim nang nag-ugat sa inyo sa paglipas ng maraming taon. Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay upang putulin ang mga kuru-kuro ninyong ito. Sa gayon ninyo namamasdan ang personal na pagpapakita ng Diyos sa inyo—hindi sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng mga Olivo, kundi sa mga taong hindi pa Niya nagabayan dati. Matapos isagawa ng Diyos ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, ang mga Israelita pati na ang lahat ng Gentil ay nagkaroon ng kuru-kuro na samantalang totoo na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, nakahanda lamang Siyang maging Diyos ng mga Israelita, hindi Diyos ng mga Gentil. Naniniwala ang mga Israelita sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lamang namin, hindi Diyos ninyong mga Gentil, at dahil hindi ninyo sinasamba si Jehova, si Jehova kung gayon—ang aming Diyos—ay kinasusuklaman kayo. Naniniwala rin ang mga Judiong iyon sa mga sumusunod: Ang Panginoong Jesus ay kamukha naming mga Judio at Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng tanda ng mga Judio. Sa amin gumagawa ang Diyos. Magkatulad ang larawan ng Diyos at ang aming larawan; ang aming larawan ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Jesus ang Hari naming mga Judio; ang mga Gentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng gayon kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Jesus ang handog dahil sa kasalanan para sa aming mga Judio. Batay lamang sa dalawang yugtong iyon ng gawain nabuo ng mga Israelita at Judio ang lahat ng kuru-kuro na ito. Mapagmataas nilang inaangkin na sa kanila lamang ang Diyos, at hindi pumapayag na ang Diyos ay Diyos din ng mga Gentil. Sa ganitong paraan, naging isang puwang ang Diyos sa puso ng mga Gentil. Ito ay dahil lahat ay naniwala na ayaw ng Diyos na maging Diyos ng mga Gentil at ang tanging gusto Niya ay ang mga Israelita—ang mga taong Kanyang hinirang—at ang mga Judio, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kanya. Hindi ba ninyo alam na ang gawaing ginawa nina Jehova at Jesus ay para sa ikaliligtas ng buong sangkatauhan? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay Diyos ninyong lahat na isinilang sa labas ng Israel? Hindi ba narito mismo ang Diyos sa piling ninyo ngayon? Hindi ito maaaring maging isang panaginip, hindi ba? Hindi ba ninyo tinatanggap ang realidad na ito? Hindi kayo nangangahas na maniwala rito o pag-isipan ito. Ano man ang tingin ninyo rito, hindi ba narito mismo ang Diyos sa inyong piling? Natatakot pa rin ba kayong maniwala sa mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng taong nalupig at lahat ng nais maging alagad ng Diyos ay mga taong hinirang ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga alagad ngayon, ang mga taong hinirang sa labas ng Israel? Hindi ba kapareho ng mga Israelita ang inyong katayuan? Hindi ba ang lahat ng ito ang dapat ninyong tanggapin? Hindi ba ito ang layunin ng gawain ng panlulupig sa inyo? Dahil nakikita ninyo ang Diyos, Siya ang magiging Diyos ninyo magpakailanman, mula simula hanggang sa hinaharap. Hindi Niya kayo pababayaan, basta’t handa kayong lahat na sumunod sa Kanya at maging Kanyang tapat at masunuring mga nilalang.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 3

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin