Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 368

Agosto 29, 2020

Sa kabuuan ng mga kapanahunan, marami ang lumisan sa mundong ito sa kabiguan, at may pag-aatubili, at marami ang nakarating dito na may pag-asa at pananampalataya. Isinaayos Ko para marami ang dumating, at marami ang naitaboy Ko. Hindi mabilang ang mga tao na dumaan sa Aking mga kamay. Maraming espiritu ang itinapon sa Hades, marami ang namuhay sa laman, at marami ang namatay at muling ipinanganak sa mundo. Gayunma’y walang sinuman sa kanila ang kailanma’y nagkaroon ng pagkakataong tamasahin ang mga pagpapala ng kaharian ngayon. Napakarami ang ibinigay Ko sa tao, gayunma’y kakarampot ang kanyang natamo, sapagka’t ang pagsalakay ng mga pwersa ni Satanas ay iniwan siya na walang kakayahang tamasahin ang lahat ng mga kayamanan Ko. Nagkaroon lamang siya ng magandang kapalaran na matitingnan, ngunit hindi niya kailanman ganap na natamasa. Hindi kailanman natuklasan ng tao ang kabang-yaman sa kanyang katawan na tatanggap sa mga kayamanan ng langit, kaya naiwala niya ang mga pagpapalang naipagkaloob Ko sa kanya. Hindi ba ang espiritu ng tao ang pinaka bahagi na nag-uugnay sa kanya sa Aking Espiritu? Bakit hindi kailanman nakipag-ugnayan ang tao sa Akin sa pamamagitan ng kanyang espiritu? Bakit nakalalapit siya sa Akin sa laman, ngunit hindi niya kayang gawin ito sa espiritu? Sa katawang-tao ba ang tunay Kong mukha? Bakit hindi alam ng tao ang Aking nilalaman? Tunay bang hindi Ako kailanman nagkaroon ng anumang bakas sa espiritu ng tao? Ganap ba Akong naglaho mula sa espiritu ng tao? Kung hindi papasok ang tao sa espirituwal na kinasasaklawan, paano niya matatarok ang mga hangarin Ko? Mayroon ba sa mga mata ng tao ang direktang makatatagos sa espirituwal na kinasasaklawan? Marami ang mga panahon na Ako ay tumawag sa tao sa pamamagitan ng Aking Espiritu, gayunma’y kumikilos ang tao na parang nasaksak Ko siya, tumitingin sa Akin mula sa malayo, sa malaking takot na pangungunahan Ko siya tungo sa ibang mundo. Marami ang mga panahon na nagtanong Ako sa espiritu ng tao, gayunma’y nananatili siyang lubos na malilimutin, napakalaki ang takot na papasok Ako sa kanyang tahanan at sasamantalahin ang pagkakataon upang hubaran siya ng lahat ng mga ari-arian niya. Kaya pinagsasarhan niya Ako sa labas, iniiwan Ako na nakaharap sa walang-iba kundi isang malamig, mahigpit-ang-pagkakasarang pinto. Marami ang mga panahon na bumagsak ang tao at nailigtas Ko siya, ngunit pagkagising agad niya Akong iniiwan at, hindi-nahipo ng Aking pagmamahal, saglit Akong sinusulyapan; hindi Ko kailanman napainit ang puso ng tao. Walang-pandama ang tao, isa siyang malupit na hayop. Kahit na napapainit siya ng Aking yakap, hindi siya kailanman naantig nito. Ang tao ay parang isang taong-bundok. Hindi niya kailanman pinahalagahan ang lahat ng pagmamahal Ko sa sangkatauhan. Ayaw niya Akong lapitan, mas gusto niyang manahan sa mga kabundukan, kung saan tinitiis niya ang banta ng mga mababangis na hayop—ngunit ayaw pa rin niyang magkubli sa Akin. Hindi ko pinipilit ang sinumang tao: Ginagawa Ko lamang ang Aking gawain. Darating ang araw na mula sa kalagitnaan ng makapangyarihang karagatan, lumalangoy ang tao sa Aking kinaroroonan upang maari niyang matamasa ang lahat ng yaman sa mundo at iwan sa likuran ang panganib ng pagkalunod sa karagatan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 20

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger