Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 340

Agosto 29, 2020

Ang inyong pananampalataya ay napakaganda; inyong sinasabi na kayo ay handang ialay ang inyong buhay sa Aking gawain, at na handa kayong isakripisyo ang inyong buhay para dito, nguni’t ang inyong disposisyon ay hindi gaanong nabago. Nagkaroon lamang ng mayabang na mga salita, at ang inyong tunay na mga pagkilos ay lubhang nakakalungkot. Tila ang dila at mga labi ng isa ay nasa langit subali’t ang mga binti ng isa ay napakalayo sa lupa, kaya ang kanyang mga salita at gawa at kanyang dangal ay nasa masamang kalagayan pa rin. Ang inyong karangalan ay nawasak, ang inyong bikas ay nakakahiya, ang inyong paraan ng pagsasalita ay mababa, ang inyong buhay ay kasumpa-sumpa, at maging ang inyong buong pagkatao ay mababa. Kayo ay makitid ang isip tungo sa mga tao at kayo ay nakikipagtawaran sa bawat kaliit-liitang bagay. Kayo ay nakikipag-away sa inyong sariling karangalan at katayuan, kahit hanggang sa punto na handa kayong bumaba sa impiyerno, tungo sa lawa ng apoy. Ang inyong kasalukuyang mga salita at gawa ay sapat upang Aking malalaman na kayo ay makasalanan. Ang inyong saloobin tungo sa Aking gawain ay sapat para Aking malaman na kayo ay mga di-matuwid na tao, at lahat ng inyong mga disposisyon ay sapat upang sabihin na kayo ay maruruming kaluluwa na puno ng mga pagkasuklam. Ang inyong mga pagpapahayag at kung ano ang inyong ibinubunyag ay sapat upang sabihin na kayo ay mga tao na nakainom ng sapat na dugo ng di-malinis na mga espiritu. Kapag ang pagpasok sa kaharian ay nasasabi hindi ninyo ipinagkakanulo ang inyong mga damdamin. Naniniwala ba kayo na ang lagay ninyo ngayon ay sapat para sa inyo upang pumasok tungo sa pintuan ng Aking kaharian ng langit? Naniniwala ba kayo na makakapasok kayo tungo sa banal na lupain ng Aking gawain at mga salita kung ang inyong mga salita at gawa ay hindi sumasailalim sa Aking pagsubok? Sino ang kayang matagumpay na linlangin ang Aking dalawang mata? Paanong ang inyong kasumpa-sumpa at mababang mga asal at pag-uusap ay makakatakas sa Aking paningin? Ang inyong mga buhay ay nalaman Ko na bilang mga pamumuhay ng pag-inom ng dugo niyaong maruruming espiritu at pagkain ng laman niyaong maruruming espiritu dahil dinadala ninyo ang kanilang itsura sa harapan Ko bawat araw. Sa harap Ko ang inyong asal ay lalong masama, kaya paano Ako hindi makadarama ng pagkainis? Sa inyong sinasabi naroon ang mga karumihan ng maruming mga espiritu: Kayo ay nandaraya, nanghihikayat, nagtatakip, at nambobola gaya lamang niyaong gumagawa ng pangkukulam, gaya niyaong nandaraya at umiinom ng dugo ng di-matuwid. Ang lahat ng pagpapahayag ng sangkatauhan ay lubhang di-matuwid, kaya pa’no ang lahat ng tao ay mailalagay sa banal na lupain kung saan naroroon ang mga matuwid? Inaakala mo ba na ang iyong karumal-dumal na asal ay makakapagtangi sa iyo bilang banal mula sa mga yaong di-matuwid na mga tao? Ang mala-ahas mong dila ay sisirain kalaunan ang iyong laman na gumagawa ng pagwasak at nagsasakatuparan ng mga kasuklam-suklam, at yaong mga kamay mo na nababalutan ng dugo ng maruming mga espiritu ay hihilahin din ang iyong kaluluwa kalaunan sa impiyerno, kaya bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito upang linisin ang iyong mga kamay na nababalot ng dumi? At bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito na putulin ang dila mong iyan na nagsasalita ng di-matuwid na mga salita? Maaari kaya na handa kang magdusa sa ilalim ng mga ningas ng impiyerno para sa ’yong dalawang kamay at iyong dila at mga labi? Nananatili Akong nagbabantay ng Aking dalawang mata sa lahat ng puso ng mga tao dahil malaon na bago Ko nilikha ang sangkatauhan, nahawakan Ko ang kanilang mga puso sa Aking mga kamay. Malaon Ko nang nasilip ang puso ng tao, kaya paano ang mga kaisipan sa puso ng tao ay makakatakas sa Aking mga mata? At paano sila sa kalaunan ay makakatakas sa pagsusunog ng Aking Espiritu?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger