Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 308
Oktubre 8, 2020
Sa mga karanasan ng tao sa buhay, sila ay madalas nag-iisip, isinuko ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong sumahin ito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Nagbigay ako ng marami sa pagkakataong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at nagdusa nang mabigat—may ibinalik bang anumang pangako ang Diyos? Naaalala ba Niya ang aking mga mabuting gawa? Ano ang aking magiging katapusan? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? ... Ang bawat tao ay patuloy, at madalas na gumagawa ng ganitong mga kalkulasyon sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng kapalit upang itaguyod ang kanilang mga motibasyon, at ambisyon, at kasunduan. Na ang ibig sabihin, sa kanyang puso ang tao ay patuloy na inilalagay ang Diyos sa pagsubok, patuloy na nag-iisip ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nakikipagtalo sa Diyos sa kaso ng kanyang katapusan, at sinusubukang kunin ang pahayag mula sa Diyos, tinitingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng pagtugis sa Diyos, ang tao ay hindi itinuturing ang Diyos na Diyos. Palagi niyang sinubukang gumawa ng mga kasunduan sa Diyos, patuloy na humihingi sa Kanya, at pinipilit pa Siya sa bawat hakbang, sinusubukang kumuha ng isang milya pagkatapos mabigyan ng isang pulgada. Kasabay sa pagsisikap na gumawa ng mga kasunduan sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating sa kanilang pagsubok o nanganganib sila, madalas nagiging mahina, walang kibo at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Mula noong siya ay nagsimulang maniwala sa Diyos, ang tao ay itinuturing ang Diyos na maging isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang makakuha ng mga biyaya at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang mga tao at magbigay sa kanya. Ganito ang pangunahing pag-unawa ng “paniniwala sa Diyos” ng lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos, at ang kanilang pinakamalalim na pag-unawa sa mga konsepto ng paniniwala sa Diyos. Mula sa mga diwa ng kalikasan ng tao hanggang sa kanyang pansariling gawain, walang anumang may kinalaman sa takot sa Diyos. Ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay hindi maaaring may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Na ang ibig sabihin, ang tao ay hindi kailanman itinuring o naintindihan na ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng takot sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Sa harap ng gayong mga kalagayan, ang diwa ng tao ay halatang-halata. At ano ang diwa na ito? Ito’y ang puso ng tao na may masamang hangarin, ito ay nagkukubli ng pagtataksil at paglilinlang, wala itong pag-ibig sa pagiging patas at pagkamatuwid, o sa mga bagay na positibo, at ito ay napakasama at sakim. Ang puso ng tao ay hindi maaaring mas malapit sa Diyos; hindi niya pa talaga ito ibinigay sa Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nakita ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Kahit gaano kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano karaming gawain ang ginagawa Niya, o gaano karami ang binibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag dito, at lubos na walang malasakit. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na pangalagaan ang kanyang sariling puso, na gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay hindi niya nais na sundin ang mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, o sundin ang dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, at ’di niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao sa kasalukuyan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video