Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 576

Nobyembre 6, 2020

Para sa ilang tao, anuman ang isyung maaari nilang makatagpo sa pagganap sa kanilang tungkulin, hindi nila hinahanap ang katotohanan, at palagi silang kumikilos ayon sa kanilang sariling mga saloobin, pagkaintindi, imahinasyon, at hangarin. Palagi nilang binibigyang-kasiyahan ang sarili nilang mga makasariling hangarin, at palaging kontrolado ng kanilang mga tiwaling disposisyon ang kanilang mga kilos. Bagama’t maaari nilang tapusin ang mga tungkuling nakatalaga sa kanila, wala silang nakakamit na anumang katotohanan. Kaya, saan umaasa ang mga taong ito kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin? Hindi sila umaasa sa katotohanan ni sa Diyos. Ang kapirasong katotohanang iyon na nauunawaan nila ay hindi pa nangingibabaw sa kanilang puso; umaasa sila sa sarili nilang mga kaloob at kakayahan, sa anumang kaalamang natamo nila, at sa kanilang mga talento, gayundin sa kanilang sariling pagpupursigi o mabubuting layon, para makumpleto ang mga tungkuling ito. Ibang klaseng pagkatao ito, hindi ba? Bagama’t kung minsan ay maaari kang umasa sa iyong pagiging natural, imahinasyon, mga pagkaintindi, kaalaman, at natutuhan sa pagtupad sa iyong tungkulin, walang lumilitaw na mga isyu tungkol sa prinsipyo sa ilan sa mga bagay na ginagawa mo. Sa unang tingin, mukhang hindi ka pa tumatahak sa maling landas, ngunit may isang bagay na hindi maaaring palampasin: Sa proseso ng pagganap sa iyong tungkulin, kung hindi nagbabago ang iyong mga pagkaintindi, imahinasyon, at personal na hangarin kailanman at hindi napapalitan ng katotohanan kailanman, at kung ang iyong mga kilos at gawa ay hindi ginagawa alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan kailanman, ano ang huling kalalabasan nito? Magiging tagasilbi ka. Ito mismo ang nakasulat sa Biblia: “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23). Bakit tinatawag ng Diyos ang mga taong ito na nagsusumikap at naglilingkod na, “kayong manggagawa ng katampalasanan”? May isang punto tayong matitiyak, at iyon ay na anumang mga tungkulin o gawain ang ginagawa ng mga taong ito, ang kanilang mga motibo, pampasigla, layon, at saloobin ay nagmumulang lahat sa kanilang makasariling mga hangarin, na lubos na nakabatay sa sarili nilang mga ideya at personal na interes, at ang kanilang mga konsiderasyon at plano ay ganap na nakabatay sa kanilang reputasyon, katayuan, kapalaluan, at mga inaasam sa hinaharap. Sa kanilang kaibuturan, wala silang taglay na katotohanan, ni hindi sila kumikilos alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan. Sa gayon, ano ang mahalagang hanapin ninyo ngayon? (Dapat nating hanapin ang katotohanan, at gampanan ang ating mga tungkulin alinsunod sa kalooban at mga hinihiling ng Diyos.) Ano ang partikular na dapat mong gawin kapag ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin alinsunod sa mga hinihiling ng Diyos? Pagdating sa iyong mga layon at ideya kapag gumagawa ng isang bagay, kailangan mong matutuhan kung paano mahiwatigan kung umaayon ang mga ito sa katotohanan o hindi, gayundin kung ang iyong mga layon at ideya ay nakatuon sa pagtupad mo sa iyong makasariling mga hangarin o sa mga interes ng tahanan ng Diyos. Kung umaayon ang iyong mga layon at ideya sa katotohanan, magagawa mo ang iyong tungkulin ayon sa iyong iniisip; gayunman, kung hindi umaayon ang mga ito sa katotohanan, kailangan mong pumihit kaagad at iwanan ang landas na iyon. Hindi tama ang landas na iyon, at hindi ka maaaring magsagawa sa gayong paraan; kung patuloy mong tatahakin ang landas na iyon, makakagawa ka ng kasamaan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger