Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 562

Nobyembre 12, 2020

Ang makarating sa tunay na pagkaunawa sa aktuwal na kahulugan ng mga salita ng Diyos ay hindi simpleng bagay. Huwag kang mag-isip nang ganito: “Naipapaliwanag ko ang literal na kahulugan ng mga salita ng Diyos, at sinasabi ng lahat na magaling ang aking pagpapaliwanag, at sinasang-ayunan nila ako, kaya ibig sabihin nito ay nauunawaan ko ang mga salita ng Diyos.” Hindi ito kapareho ng pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Kung nakatamo ka na ng kaunting liwanag mula sa mga pagpapahayag ng Diyos, at medyo naunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng mga salita Niya; at kung naipapahayag mo ang layunin sa likod ng mga salita Niya at kung ano ang ibubunga ng mga ito sa huli, sa sandaling malinaw mo nang maunawaan ang lahat ng ito, maituturing ka nang nagtataglay ng kaunting pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Kaya, hindi ganoon kasimple ang maunawaan ang mga salita ng Diyos. Hindi dahil nakapagbibigay ka ng mabulaklak na paliwanag sa literal na kahulugan ng mga salita ng Diyos ay nangangahulugang nauunawaan mo ang mga ito. Gaano mo man maipaliliwanag ang literal na kahulugan ng mga ito, nakabatay pa rin ang iyong paliwanag sa guni-guni at paraan ng pag-iisip ng tao. Walang silbi ito! Paano mo mauunawaan ang mga salita ng Diyos? Ang susi ay hanapin ang katotohanang nakapaloob sa mga iyon; sa gayong paraan mo lamang tunay na mauunawaan ang Kanyang sinasabi. Tuwing nagsasalita ang Diyos, tiyak na hindi Siya nagsasalita sa pangkalahatan lamang. Bawa’t pangungusap na binibigkas Niya ay naglalaman ng mga detalyeng tiyak na ihahayag pa sa mga salita ng Diyos, at maaaring maipahayag ang mga ito sa ibang paraan. Hindi maaarok ng tao ang mga paraan ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan. Ang mga pagbigkas ng Diyos ay napakalalim at hindi maaarok gamit ang paraan ng pag-iisip ng tao. Maaaring matuklasan ng mga tao ang buong kahulugan ng bawa’t aspeto ng katotohanan hangga’t pinagsisikapan nila; kung gagawin mo ito, kung gayon habang nararanasan mo ang mga ito, ang mga detalyeng natitira ay mapupunan nang lubusan habang nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu, sa gayo’y binibigyan ka ng pagkaunawa tungkol sa tunay na mga katayuang ito. Ang isang bahagi ay pag-unawa sa mga salita ng Diyos at paghahanap sa partikular na nilalaman ng mga ito sa pamamagitan ng pagbasa sa mga ito. Ang isa pang bahagi ay pag-unawa sa mga kahulugan ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagdanas sa mga ito at pagtatamo ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Sa dalawang paraang ito makakamtan una sa lahat ang tunay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Kung binibigyang-kahulugan mo ang Kanyang mga salita nang literal o inaaninag sa pamamagitan ng lente ng iyong sariling pag-iisip o imahinasyon, kung gayon ang iyong pagkaunawa tungkol sa mga salita ng Diyos ay hindi tunay kahit gaano kahusay mong nabibigyang-kahulugan ang mga ito. Maaari mo pa ngang makuha ang kanilang kahulugan nang wala sa konteksto at magkamali ng pakahulugan sa mga ito, at ang paggawa nang ganoon ay higit pa ngang nagsasanhi ng kaguluhan. Kaya, ang katotohanan ay pangunahing nakukuha sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagtatamo ng kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos. Ang pag-unawa sa literal na kahulugan ng Kanyang mga salita o kakayanang ipaliwanag ang mga ito ay hindi ibinibilang na pagkakamit na ng katotohanan. Kung kailangan mo lamang bigyang-kahulugan ang literal na kahulugan ng Kanyang mga salita, ano kung gayon ang silbi ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu? Kung magkagayon kakailanganin mo lamang magkaroon ng partikular na antas ng edukasyon, at ang mga di-nakapag-aral ay malalagay na lahat sa alanganin. Ang gawain ng Diyos ay hindi isang bagay na naaabot ng utak ng tao. Ang tunay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nakadepende sa pagkakaroon ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu; ganyan ang proseso ng pagkamit ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger