Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 560

Nobyembre 7, 2020

Anong mga bagay ang bumubuo sa kalikasan ng isang tao? Ang alam mo lamang ay ang katiwalian, pagsuway, mga pagkukulang, mga depekto, mga pagkaintindi, at mga hangarin ng tao, at hindi mo nagagawang tuklasin ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kalikasan ng tao. Ang alam mo lamang ay ang panlabas na anyo, nang hindi nagagawang tuklasin ang pinagmulan nito at hindi ito nagsisilbing kaalaman tungkol sa kalikasan ng tao. Iniisip pa ng ilan na kalikasan ng tao ang paimbabaw na mga bagay na ito, na sinasabing, “Alam mo, nauunawaan ko ang kalikasan ng tao; inaamin ko ang aking kayabangan. Hindi ba iyan ang kalikasan ng tao?” Ang kayabangan ay bahagi ng kalikasan ng tao na talagang totoo iyan. Gayunman, hindi sapat na kilalanin iyan ayon sa pakahulugan ng doktrina. Ano ang ibig sabihin ng malaman ang sariling kalikasan? Paano ito malalaman? Mula sa anong mga aspeto ito nalalaman? Bukod pa riyan, paano ba talaga dapat tingnan ang kalikasan ng isang tao sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ibinubunyag? Una sa lahat, makikita mo ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga interes. Halimbawa, mahilig talagang magsayaw ang ilan, ang ilan naman ay talagang mahilig sa mga mang-aawit o sa mga artista sa pelikula, at ang ilan ay talagang iniidolo ang ilang tanyag na tao. Mula sa mga interes na ito, makikita natin kung ano ang likas na pagkatao ng mga taong ito. Halimbawa: Maaaring talagang iniidolo ng ilan ang isang partikular na mang-aawit, hanggang sa punto pang nahuhumaling na sila sa bawat galaw, bawat ngiti, at bawat salita nito. Nakatutok sila sa mang-aawit, at kinukunan pa nila ng litrato ang lahat ng isinusuot nito at ginagaya iyon. Ano ang ipinapakita ng ganitong antas ng pag-idolo tungkol sa kalikasang ito ng isang tao? Ipinapakita nito na ang mga bagay na iyon lang ang nasa puso ng gayong tao, at hindi ang Diyos. Ang lahat ng mga bagay na iniisip, minamahal, at hinahangad ng taong ito ay mula kay Satanas; nananahan ang mga ito sa puso ng taong ito, na bumigay na sa mga bagay na iyon. Ano ang problema rito? Kung sukdulan ang pagmamahal sa isang bagay, maaaring ang bagay na iyon ay maging buhay ng isang tao at sakupin ang kanyang puso, na lubos na nagpapatunay na ang taong iyon ay sumasamba sa idolo at ayaw sa Diyos at sa halip ay minamahal ang diyablo. Samakatuwid, masasabi natin na ang kalikasan ng gayong tao ay isa na nagmamahal at sumasamba sa diyablo, hindi nagmamahal sa katotohanan, at ayaw sa Diyos. Hindi ba ito ang tamang pagmalas sa kalikasan ng isang tao? Ganap na tama ito. Ganito hinihimay ang kalikasan ng tao. Halimbawa, masyadong iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at umiikot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang larawang ipinakikita nila. Pag-aralan natin ang kanilang likas na pagkatao mula sa mga pag-uugaling ito: Ano ang kanilang likas na pagkatao? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at hambog. Ni hindi man lang nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nangangarap na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin sila, at magkaroon ng katayuan sa kanilang isipan. Ito ang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na mga aspeto ng kanilang likas na pagkatao ay kayabangan at kahambugan, ayaw nilang sambahin ang Diyos, at nais nilang sambahin sila ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pagtingin sa kanilang likas na pagkatao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger