Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 527

Setyembre 14, 2020

Ang buong buhay ng tao ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, at walang isa mang tao ang kayang makalaya mula rito sa kanyang sarili. Lahat ay nabubuhay sa isang maruming sanlibutan, sa katiwalian at kahungkagan, wala ni katiting mang kahulugan o kahalagahan, namumuhay sila ng gayong walang-pananagutang buhay para sa laman, para sa pagnanasa, at para kay Satanas. Walang kahit katiting mang halaga sa kanilang pag-iral. Hindi kaya ng tao na hanapin ang katotohanang magpapalaya sa kanya mula sa impluwensya ni Satanas. Kahit na naniniwala ang tao sa Diyos at nagbabasa ng Biblia, hindi niya nauunawaan kung paano siya makalalaya mula sa pagpipigil ng impluwensya ni Satanas. Sa mga nakalipas na mga kapanahunan, napakakaunti ang mga taong nakatuklas ng lihim na ito, napakakaunti ang nakahipo rito. Sa gayon, bagaman kinamumuhian ng tao si Satanas, at kinamumuhian ang laman, hindi niya nalalaman kung paano alisin ang kanyang sarili mula sa bumibitag na impluwensya ni Satanas. Ngayon, kayo ba ay hindi na rin nasa ilalim ng sakop ni Satanas? Hindi ninyo pinagsisisihan ang inyong mga kilos ng pagsuway, lalong hindi ninyo nararamdaman na kayo ay marumi at masuwayin. Pagkatapos na salungatin ang Diyos, mayroon pa rin kayong kapayapaan ng isipan at nakadarama ng lubhang katahimikan. Ang katahimikan mo ba ay hindi dahil sa ikaw ay tiwali? Ang kapayapaan bang ito ng iyong isipan ay hindi nagbubuhat sa iyong pagkamasuwayin? Ang tao ay nabubuhay sa isang pantaong impiyerno, nabubuhay siya sa madilim na impluwensya ni Satanas; sa buong lupa, ang mga multo ay naninirahan kasama ng tao, nanghihimasok sa laman ng tao. Sa lupa, hindi ka nabubuhay sa isang magandang paraiso. Ang dako na kinaroroonan mo ay ang kinasasaklawan ng diyablo, isang pantaong impiyerno, isang daigdig ng mga patay. Kung ang tao ay hindi nalinis, siya ay sa karumihan; kung hindi siya iniingatan at kinakalinga ng Diyos, kung gayon siya ay mananatiling bihag ni Satanas; kung hindi siya hinahatulan at kinakastigo, kung gayon hindi siya magkakaroon ng daan upang makalaya sa pang-aalipin ng madilim na impluwensya ni Satanas. Ang tiwaling disposisyon na iyong ipinakikita at masuwaying pag-uugali na iyong isinasabuhay ay sapat upang patunayang ikaw ay namumuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kung ang iyong isipan at mga iniisip ay hindi nalinis, at ang iyong disposisyon ay hindi pa nahatulan at nakastigo, kung gayon ang iyong buong kabuuan ay pigil pa rin ng sakop ni Satanas, ang iyong isipan ay pigil ni Satanas, ang iyong mga iniisip ay pinaiikot ni Satanas, at ang lahat sa iyo ay kontrolado ng mga kamay ni Satanas. Alam mo ba kung gaano ka pa kalayo, ngayon, mula sa mga pamantayan ni Pedro? Ikaw ba ay may kakayahan? Gaano ang iyong nalalaman sa pagkastigo at paghatol sa ngayon? Gaano ang iyong taglay doon sa mga naging kaalaman ni Pedro? Kung, sa ngayon, ay hindi mo kayang malaman, maaari mo bang matamo ang kaalamang ito sa hinaharap? Ang isang tamad at duwag na gaya mo ay hindi kayang malaman ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Kung iyong hahabulin ang kapayapaan ng laman, at ang mga kasiyahan ng laman, kung gayon hindi ka magkakaroon ng daan upang malinis, at sa katapusan ay babalik ka kay Satanas, sapagka’t ang iyong isinasabuhay ay si Satanas, at ang laman. Sa katayuan ng mga bagay-bagay ngayon, maraming tao ang hindi naghahabol sa buhay, ibig sabihin ay hindi nila inaalintana ang pagiging nalinis, o pumasok sa mas malalim na karanasan ng buhay. Kung gayon ay paano sila magagawang perpekto? Yaong mga hindi naghahabol sa buhay ay walang pagkakataong magawang perpekto, at yaong mga hindi naghahabol ng kaalaman sa Diyos, at hindi naghahabol ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, ay hindi kayang makatakas mula sa madilim na impluwensya ni Satanas. Kung tungkol sa kanilang kaalaman sa Diyos at kanilang pagpasok sa mga pagbabago sa kanilang disposisyon, hindi sila taimtim dito, katulad niyaong mga naniniwala lamang sa relihiyon, at sumusunod lamang sa ritwal sa kanilang pagsamba. Hindi ba’t pagsasayang lamang iyan ng panahon? Kung, sa kanyang paniniwala sa Diyos, ang tao ay hindi taimtim tungkol sa mga bagay-bagay ng buhay, hindi hinahabol ang pagpasok sa katotohanan, hindi naghahabol ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at lalong hindi naghahabol ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, kung gayon hindi siya magagawang perpekto. Kung gusto mo na magawang perpekto, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng gawain ng Diyos. Sa partikular, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, at bakit ang mga iyon isinasagawa sa tao. Kaya mo bang tanggapin? Sa panahon ng ganitong uri ng pagkastigo, kaya mo bang makamit ang mga karanasan at kaalaman na kapareho ng kay Pedro? Kung ikaw ay maghahabol ng isang kaalaman sa Diyos at ng gawain ng Banal na Espiritu, at maghahabol ng mga pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon mayroon kang pagkakataon na magawang perpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger