Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 452

Setyembre 22, 2020

Sa hinaharap, kung ikaw man ay pagpapalain o isusumpa ay pagpapasiyahan batay sa inyong mga kilos at asal ngayon. Kung kayo ay gagawing perpekto ng Diyos, iyon ay tiyak ngayon na, sa panahong ito; hindi na magkakaroon ng iba pang pagkakataon sa hinaharap. Ngayon din, nais talaga kayong gawing perpekto ng Diyos, at ito ay hindi isang paraan ng pagsasalita. Sa hinaharap, kung anumang mga pagsubok ang sumapit sa inyo, anumang mga pangyayari ang maganap, o anumang mga sakuna ang dumating sa inyo, kayo ay nais na gawing perpekto ng Diyos; ito ay isang tiyak at hindi mapagdududahang katunayan. Mula saan ito kayang makita? Nakikita ito sa katunayan na ang salita ng Diyos, sa lahat ng kapanahunan at mga henerasyon, ay hindi kailanman nakarating sa gayong kataas na tugatog na gaya ngayon. Ito ay nakapasok sa pinakamataas na kinasasaklawan, at ang gawain ng Banal na Espiritu sa buong sangkatauhan ngayon ay hindi pa kailanman nangyari. Halos walang sinuman mula sa mga henerasyong lumipas ang nakaranas nito; kahit na sa panahon ni Jesus wala ang mga pahayag ng panahon ngayon. Ang mga salitang sinabi sa inyo, kung ano ang naiintindihan ninyo, at mga bagay na inyong nararanasan ay nakaabot lahat sa isang bagong tugatog. Hindi kayo umaalis sa gitna ng mga pagsubok at mga pagkastigo, at ito ay sapat na upang patunayan na ang gawain ng Diyos ay umabot na sa hindi pa narating na kaluwalhatian. Ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng tao, ni ito ay isang bagay na pinananatili ng tao; nguni’t sa halip ito ay gawain ng Diyos Mismo. Kaya, mula sa maraming katotohanan ng gawain ng Diyos makikita na nais gawing perpekto ng Diyos ang tao, at tiyak na kaya Niya kayong gawing ganap. Kung makaya ninyong makita ito, kung makaya ninyong magkaroon ng bagong pagtuklas na ito, hindi ninyo na hihintayin ang ikalawang pagdating ni Jesus; sa halip, ay hahayaan ninyong gawing ganap kayo ng Diyos sa kasalukuyang panahon. Kaya, nararapat na ang bawa’t isa sa inyo ay gawin ang lubos na makakaya at huwag maglimita ng pagpupunyagi upang kayo ay maaaring gawing perpekto ng Diyos.

Sa mga panahong ito hindi mo dapat na pansinin ang mga negatibong bagay. Una, isantabi mo at huwag pansinin ang anumang bagay na nakakapagparamdam sa iyo ng negatibo. Kapag nangangasiwa ka ng mga bagay-bagay, gawin mo ang gayon taglay ang isang puso na naghahanap at nag-aapuhap, isang pusong nagpapasakop sa Diyos. Sa tuwing nakakatuklas kayo ng kahinaan sa loob ninyo nguni’t hindi sumasailalim sa kontrol nito at inyong ginagampanan ang tungkulin na dapat ninyong gawin, ito ay isang positibong kilos na pasulong. Halimbawa, ang iyong mga mas matandang kapatid na lalaki at babae ay may mga paniwalang pangrelihiyon, nguni’t nakakaya mong manalangin, magpasakop, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno…. Ibig sabihin nito, anuman ang kaya mong gawin, anumang tungkulin ang kaya mong gampanan, ilagay ang iyong lahat-lahat dito nang may buong lakas na maaari mong tipunin. Huwag maghintay nang walang-kibo. Ang mabigyang-kasiyahan ang Diyos sa paggawa ng iyong tungkulin ay ang unang hakbang. Pagkatapos kapag kaya mo nang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa realidad ng salita ng Diyos, ikaw ay nagawa nang perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawa’t Isa sa Kanilang Tungkulin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger