Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 426

Nobyembre 4, 2020

Ang pagpapahayag ng mga kautusan ng bagong kapanahunan ay isang patotoo sa katunayan na lahat ng tao sa daloy na ito, lahat ng nakaririnig sa tinig ng Diyos ngayon, ay nakapasok na sa isang bagong kapanahunan. Ito ay isang bagong simula para sa gawain ng Diyos, at isang simula rin ng huling bahagi ng gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon. Ang mga kautusan ng bagong kapanahunan ay simbolo na ang Diyos at ang tao ay nakapasok na sa saklaw ng isang bagong langit at isang bagong lupa, at na ang Diyos, tulad noong gumawa si Jehova sa mga Israelita at gumawa si Jesus sa mga Judio, ay gagawa ng mas maraming praktikal na gawain, at gagawa ng mas marami at mas dakila pang gawain sa lupa. Ang mga ito ay simbolo rin na ang grupong ito ng mga tao ay tatanggap ng mas marami at mas dakilang mga tagubilin mula sa Diyos, at paglalaanan, pakakainin, susuportahan, pangangalagaan, at poprotektahan Niya sa praktikal na paraan, bibigyan Niya ng mas marami pang praktikal na pagsasanay, at pakikitunguhan, dudurugin, at pipinuhin ng salita ng Diyos. Ang kabuluhan ng mga kautusan ng bagong kapanahunan ay medyo malalim. Iminumungkahi ng mga ito na ang Diyos ay talagang magpapakita sa lupa, kung saan lulupigin Niya ang buong sansinukob, na magbubunyag ng Kanyang buong kaluwalhatian sa katawang-tao. Iminumungkahi rin ng mga ito na ang praktikal na Diyos ay gagawa ng mas maraming praktikal na gawain sa lupa upang gawing perpekto ang lahat ng Kanyang hinirang. Bukod pa riyan, isasakatuparan ng Diyos ang lahat sa lupa gamit ang mga salita, at ipapahayag ang utos na “ang Diyos na nagkatawang-tao ay tataas sa pinakamataas at palalakihin, at lahat ng tao at lahat ng bansa ay luluhod upang sambahin ang Diyos, na dakila.” Bagama’t ang mga kautusan ng bagong kapanahunan ay para sundin ng tao, at bagama’t tungkulin at obligasyon ng tao na gawin iyon, ang kahulugang kinakatawan ng mga ito ay napakalalim para lubos na maipahayag sa isa o dalawang salita. Ang mga kautusan ng bagong kapanahunan ay pinapalitan ang mga kautusan sa Lumang Tipan at ang mga ordenansa sa Bagong Tipan ayon sa ipinahayag nina Jehova at Jesus. Ito ay isang mas malalim na aral, hindi isang bagay na kasing-simple ng maaaring isipin ng tao. May isang aspeto ng praktikal na kabuluhan sa mga kautusan ng bagong kapanahunan: Ang mga ito ay nagsisilbing pang-ugnay sa pagitan ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kaharian. Winakasan ng mga kautusan ng bagong kapanahunan ang lahat ng kagawian at ordenansa sa lumang kapanahunan, pati na rin ang lahat ng kagawian mula sa kapanahunan ni Jesus at mga kagawian bago sumapit iyon. Dinadala ng mga ito ang tao sa presensya ng mas praktikal na Diyos, na nagtutulot na simulan siyang personal na gawing perpekto ng Diyos; ang mga ito ang simula ng landas tungo sa pagiging perpekto. Sa gayon, dapat kayong magtaglay ng tamang saloobin hinggil sa mga kautusan ng bagong kapanahunan, at huwag sundin ang mga ito nang basta-basta ni hamakin ang mga ito. Binibigyang-diin ng mga kautusan ng bagong kapanahunan ang isang punto: Na sasambahin ng tao ang praktikal na Diyos Mismo ngayon, na kinabibilangan ng mas praktikal na pagpapasakop sa diwa ng Espiritu. Binibigyang-diin din ng mga kautusan ang mga prinsipyong gagamitin ng Diyos sa paghatol sa tao kung maysala ba ito o matuwid matapos Siyang magpakita bilang Araw ng katuwiran. Ang mga kautusan ay mas madaling maunawaan kaysa isagawa. Mula rito, makikita na kung nais ng Diyos na gawing perpekto ang tao, kailangan Niyang gawin iyon sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga salita at patnubay, at hindi magiging perpekto ang tao sa pamamagitan lamang ng sarili niyang likas na talino. Masusunod man ng tao ang mga kautusan ng bagong kapanahunan o hindi ay may kinalaman sa kaalaman ng tao tungkol sa praktikal na Diyos. Dahil dito, masusunod mo man ang mga kautusan o hindi ay hindi isang tanong na malulutas sa loob lamang ng ilang araw. Ito ay isang napakalalim na aral na matututuhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsunod sa mga Kautusan at Pagsasagawa ng Katotohanan

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger