Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 374
Agosto 29, 2020
Ang Makapangyarihang Diyos, ang Pinuno ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang luklukan. Namumuno Siya sa sansinukob at sa lahat ng bagay, at ginagabayan Niya tayo sa buong daigdig. Magiging malapit tayo sa Kanya sa bawat sandali, at haharap sa Kanya nang tahimik, na hindi nagsasayang kailanman ni isang sandali, at may mga aral tayong dapat matutuhan sa lahat ng oras. Lahat, mula sa kapaligirang nakapalibot sa atin hanggang sa mga tao, pangyayari, at bagay, ay umiiral sa pahintulot ng Kanyang luklukan. Huwag hayaang magkaroon ng hinaing sa inyong puso sa anumang dahilan, kung hindi ay hindi ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang Kanyang biyaya. Kapag dumapo ang karamdaman, ito ay pagmamahal ng Diyos, at tiyak na ang Kanyang mabubuting hangarin ay nakapaloob dito. Bagama’t maaaring medyo nahihirapan ang iyong katawan, huwag kang tumanggap ng mga ideya mula kay Satanas. Purihin ang Diyos sa gitna ng iyong karamdaman at tamasahin ang Diyos sa gitna ng iyong papuri. Huwag mawalan ng pag-asa kapag nagkaroon ka ng karamdaman, patuloy na maghanap at huwag susuko kailanman, at tatanglawan ka ng Diyos ng Kanyang liwanag. Gaano ba ang pananampalataya ni Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang manggagamot na makapangyarihan sa lahat! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Hangga’t may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay.
Nasa ating kalooban ang nabuhay na mag-uling buhay ni Cristo. Hindi maikakaila na kulang ang ating pananampalataya sa presensya ng Diyos: Nawa’y pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay na pananampalataya sa ating kalooban. Tunay ngang matamis ang salita ng Diyos! Ang salita ng Diyos ay mabisang gamot! Hinihiya nito ang mga diyablo at si Satanas! Ang pag-unawa sa salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng suporta. Mabilis na kumikilos ang Kanyang salita para iligtas ang ating puso! Iwinawaksi nito ang lahat ng bagay at pinapayapa ang lahat. Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting kaisipan, iyon ay dahil nalinlang sila ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. Sinusubukan ni Satanas ang lahat ng posibleng paraan para ipadala sa atin ang mga ideyang ito. Dapat nating ipanalangin sa Diyos sa bawat sandali na tanglawan tayo ng Kanyang liwanag, umasa sa Diyos sa bawat sandali na alisin ang lason ni Satanas mula sa ating kalooban, magsagawa sa ating espiritu sa bawat sandali kung paano mapalapit sa Diyos, at hayaang magkaroon ang Diyos ng kapamahalaan sa ating buong katauhan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video