Tagalog Christian Music | "Ang Tanging Tunay na mga Pagbabago ay ang mga Pagbabago sa Disposisyon"

Abril 10, 2022

I

Ang tao'y nilason at niyurakan ni Satanas.

Tiwaling disposisyon ng tao'y d'yan nagmumula.

Mga pangunahing bagay niya'y naging tiwali:

pag-iisip niya't moralidad, kabatiran at katinuan.

Lahat ay nagbago na, ibang-iba sa pagkakalikha ng Diyos sa kanila:

katotohana'y hindi niya maunawaan at sa Diyos ay tumataliwas.

Kaya't ang pagbabago sa disposisyon ng tao'y

dapat magmula sa kanyang pag-iisip,

katinuan at kabatiran,

upang mabago'ng pagkilala niya sa Diyos at katotohanan.

Ang tunay na mga pagbabago sa disposisyon ng tao'y

makakamtan lamang kung may masusing kaalaman ng kanyang diwa't

pagbabago sa pag-iisip, pananaw at kalikasan.

Mga pangunahing pagbabago'y dun lang makakamit.

II

Bago siya nagawang tiwali ni Satanas,

ang tao'y tumatalima't sumusunod sa Diyos at Kanyang mga salita;

siya'y may katinuan, konsensya't pagkatao.

Ngunit, pumurol nang gawing tiwali ni Satanas.

Nawala na'ng pagsunod at pag-ibig niya sa Diyos.

Katinuan ng tao'y nalihis, disposisyon niya'y

para nang sa hayop, pagsuway tumindi;

pero lahat ito'y 'di niya pa rin batid,

at patuloy na sumusuway at sumasalungat sa Diyos.

Ang tunay na mga pagbabago sa disposisyon ng tao'y

makakamtan lamang kung may masusing kaalaman ng kanyang diwa't

pagbabago sa pag-iisip, pananaw at kalikasan.

Mga pangunahing pagbabago'y dun lang makakamit.

III

Ang disposisyon ng tao'y nabubunyag

sa kanyang katinuan, kabatira't konsensyang

walang kaayusan.

Kaya't ang disposisyon niya'y

naging lubhang suwail sa Diyos.

Kung 'di mababago ang katinuan niya't kabatiran,

gano'n din kanyang disposisyon,

at hindi siya aayon sa kalooban ng Diyos.

Ang tunay na mga pagbabago sa disposisyon ng tao'y

makakamtan lamang kung may masusing kaalaman ng kanyang diwa't

pagbabago sa pag-iisip, pananaw at kalikasan.

Mga pangunahing pagbabago'y dun lang makakamit.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger