Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 597
Hulyo 29, 2020
Bago pumasok sa kapahingahan ang sangkatauhan, kung ang bawat uri ng tao ay pinarusahan o ginantimpalaan ay mapagpapasyahan ayon sa kung hinahanap nila ang katotohanan, kung kilala nila ang Diyos, kung magagawa nilang sundin ang nakikitang Diyos. Yaong mga nag-ukol ng paglilingkod sa nakikitang Diyos ngunit hindi kilala o hindi sumunod sa Kanya ay kulang sa katotohanan. Ang mga taong ito ay mga gumagawa ng kasamaan, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay walang dudang parurusahan; at saka, sila’y parurusahan ayon sa kanilang masamang pag-uugali. Ang Diyos ay pinaniniwalaan ng tao, at Siya rin ay nararapat sa pagsunod ng tao. Yaong nanampalataya lamang sa malabo at di-nakikitang Diyos ay ang mga hindi naniniwala sa Diyos; at saka, hindi nila magawang sumunod sa Diyos. Kung ang mga tao na ito ay hindi pa rin magawang maniwala sa nakikitang Diyos sa panahon na matapos ang Kanyang gawaing panlulupig, at ayaw ring tumigil sa pagiging suwail at nilalabanan ang Diyos na nakikita sa katawang-tao, ang mga taong di-malinaw na mga ito ay, walang duda, na wawasakin. Ito ay katulad sa inyo—sinuman na nagsasabing kinikilala ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit hindi magawang isagawa ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na aalisin at wawasakin, at sinuman na nagsasabing kinikilala ang nakikitang Diyos at kumakain at umiinom din ng katotohanan na ipinahayag ng nakikitang Diyos ngunit hinahanap ang malabo at di-nakikitang Diyos ay lalong higit na wawasakin sa hinaharap. Wala sa mga taong ito ang maaaring manatili hanggang sa panahon ng kapahingahan makaraang makatapos ang gawain ng Diyos; wala ni isa ang maaaring maging tulad ng mga taong ito na mananatili hanggang sa oras ng kapahingahan. Ang mga mala-demonyong tao ay ang mga hindi isinasagawa ang katotohanan; ang kanilang kakanyahan ay isang pagkalaban at pagiging suwail sa Diyos, at wala silang kahit na katiting na intensyon ng pagsunod sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay wawasaking lahat. Maging kung ikaw ay nagtataglay ng katotohanan o kung ikaw ay lumalaban sa Diyos ay pinagpapasyahan sa iyong kakanyahan, hindi ayon sa iyong anyo o sa iyong paminsan-minsang pananalita at pag-uugali. Ang kakanyahan ng bawat tao ang magpapasya kung sila ay wawasakin; ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na ibinunyag sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at ng kanilang paghangad ng katotohanan. Sa mga taong magkakatulad na gumagawa ng gawain at gumagawa din ng magkatulad na dami ng gawain, yaong mabubuti ang makataong kakanyahan at nagtataglay ng katotohanan ay ang mga tao na maaaring manatili, ngunit yaong mga masasama ang kakanyahang pantao at sumusuway sa nakikitang Diyos ay yaong wawasakin. Alinman sa gawain ng Diyos o mga salita na ipinatungkol sa hantungan ng sangkatauhan ay pinakikitunguhan nang wasto ang sangkatauhan ayon sa kakanyahan ng bawa’t tao; hindi magkakaroon ng mga aksidente, at tiyak na walang magiging kahit katiting na pagkakamali. Tanging kapag ang isang tao ay nagsasakatuparan ng gawain may mapapahalong pantaong emosyon o pakahulugan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pinaka-angkop; Siya ay lubusang hindi magpaparatang nang mali laban sa anumang nilalang. Maraming mga tao ngayon ang hindi mahihiwatigan ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan at hindi rin naniniwala sa mga salita na sinasabi Ko; lahat ng mga hindi naniniwala, kasama ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ay mga demonyo!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video