Christian Dance | "Tayong Mga Kapatid ay Nagpupuri sa Diyos" | Praise Song

Hulyo 14, 2024

I

Tayong mga kapatid ay kumakanta ng bagong awit,

pakiramdam natin ay napakalaya at napakasaya.

Nakikita natin ang pagiging matuwid ng Diyos sa gitna ng pagkastigo;

mula sa kaibuturan ng ating puso, pinupuri natin ang Diyos.

Tayong mga kapatid ay dapat magsaya,

dapat tayong tumalon sa galak, tumalon sa galak,

at pasalamatan ang Diyos sa Kanyang paghatol at pagkastigo,

na naglinis at nagbago sa atin tungo sa pagiging mga bagong tao.

Tayong mga kapatid ay pumaparito lahat upang purihin ang Diyos;

pumaparito tayo upang purihin ang Makapangyarihang Diyos,

na lumupig, nagligtas, at nagkamit ng isang grupo ng mga tao,

nagligtas at nagkamit ng isang grupo ng mga tao.

II

Tayong mga kapatid ay kumakanta ng bagong awit,

pinupuri ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos.

Pagkatapos malinis, maaari na tayong magpasakop sa Diyos;

ito ay tunay na dakilang pagliligtas ng Diyos.

Tinalikuran natin ang mga pamilya at makamundong kagusutan,

at tapat nating tinutupad ang ating tungkulin.

Naghihimagsik tayo laban sa ating laman at nagsasagawa sa katotohanan,

nagpapasakop sa Diyos at tinutugunan ang Kanyang mga layunin.

Tayong mga kapatid ay pumaparito lahat upang purihin ang Diyos.

Nagagawa natin Siyang purihin sa harap ng Kanyang trono—

ito ay biyaya at pagpapala ng Diyos,

ito ay biyaya at pagpapala ng Diyos.

III

Tayong mga kapatid ay kumakanta ng bagong awit,

kumakanta na ang dakilang gawain ng Diyos ay natapos na.

Sa pamamagitan ng Kanyang anim na libong taon na plano ng pamamahala,

nagawang perpekto at nakamit ng Diyos ang isang grupo ng mga tao.

Nilupig tayo ng Kanyang mga salita, lubusang ipinapahiya ang malaking pulang dragon.

Ang pagiging maharlika, poot, at paghatol ng Diyos

ay nagbubunyag ng Kanyang matuwid na disposisyon.

Tayong mga kapatid ay pumaparito lahat upang purihin ang Diyos,

tayong mga kapatid ay pumaparito lahat upang purihin ang Diyos,

upang purihin ang Makapangyarihang Diyos na gumapi na kay Satanas

at nagkamit na ng lahat ng Kanyang kaluwalhatian.

IV

Tayong mga kapatid ay kumakanta ng bagong awit,

walang kapantay ang saya ng pamumuhay sa kaharian.

Nakita natin ang kaluwalhatian ng Diyos,

at lumulukso at nagsasaya ang ating nasasabik na puso.

Ang ating mga mata ay lumuluha sa kasabikan,

sa puso nati'y masaya tayong umaawit.

Ipinapahayag natin ang pagmamahal sa ating puso

sa pamamagitan ng magagandang pagsasayaw;

ang ating espiritu ay pinalaya at pinakawalan.

Tayong mga kapatid ay pumaparito lahat upang purihin ang Diyos;

mga tinig nating kumakanta ay malakas at malinaw,

niyayanig ang buong sansinukob, tungo sa langit at sa lupa.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger