Christian Dance | "Tingnan Kung Sino ang May Magandang Patotoo sa Diyos" | Praise Song

Hulyo 15, 2024

I

Makapangyarihang Diyos, mahal Kita. Ako ay umaawit—awit ng papuri,

ako ay sumasayaw ng sayaw ng kagalakan para sa Iyo,

Makapangyarihang Diyos, Makapangyarihang Diyos.

Sa pagtataas at biyaya ng Diyos, tayo ay itinataas sa harap ng trono.

Nilulupig ng mga salita ng Diyos ating puso

at pinupuri natin ang Diyos hanggang puso nati'y makontento.

Tumayo at sumayaw, mga kapatid!

Masayang umawit ng papuring awit!

Bakit ako sumasayaw nang masaya? Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

II

Lumalapit tayo sa Diyos,

at kinakain, iniinom, at tinatamasa natin ang Kanyang mga salita.

Sa pagtanggap ng Kanyang paghatol, tayo'y nililinis;

tayo'y tunay na masaya na magsabuhay ng wangis ng tao.

Ang paghatol at pagkastigo ay pagmamahal ng Diyos,

ang mga pagsubok at pagpipino ay Kanyang mga pagpapala.

Nabigyan na ako ng Diyos ng bagong buhay.

Pupurihin ko ang Diyos magpakailanman.

Tumayo at sumayaw, mga kapatid!

Masayang umawit ng papuring awit!

Bakit ako sumasayaw nang masaya? Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

III

Mga salita ng Diyos may dakilang awtoridad,

inaakay tayo mula sa mga paghihirap.

Ginagabayan at pinoprotektahan tayo ng mga ito sa bawat sandali,

mas lalo nating nararamdaman

ang pagkamalapit natin sa Diyos at pagiging kaibig-ibig Niya.

Pineperpekto sa paghihirap ang ating pananalig,

nakikita natin ang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos.

Anuman ang pagsubok,

ang ating mapagmahal-sa-Diyos na puso ay hinding-hindi magbabago.

Tumayo at sumayaw, mga kapatid!

Masayang umawit ng papuring awit!

Bakit ako sumasayaw nang masaya? Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

IV

Ang pagmamahal ng Diyos ay napakadakila na hindi ito lubos na maipapaliwanag,

habang panahon tayo'y magpupuri sa Diyos.

May katapatan nating tinutupad nang maayos ang ating mga tungkulin

para masuklian ang pagmamahal ng Diyos.

May iisang isipan, tayo'y nagpapatotoo sa Diyos;

ang ebanghelyo ng kaharian ay ipinalalaganap sa buong sansinukob.

Nagkakamit ang Makapangyarihang Diyos ng kaluwalhatian sa Zion,

umaapaw sa kagalakan ang ating puso, umaapaw sa kagalakan.

Tumayo at sumayaw, mga kapatid!

Masayang umawit ng papuring awit!

Bakit ako sumasayaw nang masaya? Dahil mahal ng puso ko ang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger