Tagalog Christian Song | "Ang Saloobing Dapat Ipakita ng Isang Tao sa mga Salita ng Diyos"
Pebrero 14, 2025
I
Ang mga salitang sinasabi Ko ay mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan; ang mga ito ay hindi lamang para sa isang uri ng tao. Dapat ninyong tutukan ang pag-arok sa mga salita Ko mula sa pananaw ng katotohanan, at dapat kayong magkaroon ng saloobin ng tutok na atensiyon at sinseridad;
II
Huwag ninyong balewalain ang isa mang salita o katotohanang sinasabi Ko, at huwag tratuhin nang basta-basta ang lahat ng salitang sinasabi Ko. Sa mga buhay ninyo, nakikita Kong marami kayong ginawang walang kinalaman sa katotohanan, kaya naman partikular Kong hinihiling na maging mga tagapaglingkod kayo ng katotohanan, Partikular Niyang hinihiling na huwag kayong magpaalipin sa kabuktutan at kapangitan, at huwag ninyong yurakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng sambahayan ng Diyos. Ito ang paalala Ko sa inyo.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video