Christian Dance | "Napakatamis Dumalo sa Piging ng Pagmamahal ng Diyos" | Praise Song

Oktubre 25, 2024

I

Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos,

dumadalo tayo sa piging ng pagmamahal ng Diyos; napakatamis nito!

Nagagalak ang ating puso, masaya ang ating espiritu;

hindi sapat ang mga salita sa sobrang ganda nito.

Pagkatapos ng paghatol dumarating ang pag-unawa sa katotohanan,

pinapalitan ang pait ng tamis;

nagigising ang ating espiritu, maliwanag ang ating puso,

na malaman ang pagmamahal ng Diyos.

O, paanong pineperpekto ng mga salita ng Diyos ang mga tao!

Nililinis at binabago ng mga ito ako.

Kung hindi minamahal ng mga tao ang Diyos, wala silang konsensiya.

Dapat natin lahat isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos,

ihandog ang ating pagkamatapat, at isakatuparan ang ating mga tungkulin.

Ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at inaakay Niya ang mga tao sa realidad.

Nakikilala ko ang sarili ko dahil sa paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos;

sa pagsasagawa at pagdanas ng Kanyang mga salita,

nabago ang aking mga disposisyon.

Ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw ay hindi masusukat sa sobrang lawak.

II

Ang paghatol ng mga salita ng Diyos, mga pagsubok, at pagpipino

ay naglilinis sa katiwalian ng tao.

Sa pamamagitan ng mga kapighatian at pagpipino,

natitiis natin ang lahat ng uri ng paghihirap.

Tunay na makabuluhan ang magtiis ng paghihirap

para ang ating mga tiwaling disposisyon ay malinis.

Isinasagawa natin ang katotohanan

at kalaunanan ay maisasabuhay natin ang wangis ng tao.

O, napakarami nang ginawang gawain ng Diyos!

Ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng pagpeperpekto sa mga tao.

Ang hindi matamo ang katotohanan ay sobrang kahabag-habag.

Ang makaupo sa piging, subalit nagdurusa ng matinding taggutom;

iyon ay talagang isang katatawanan para kay Satanas.

Sa pamamagitan ng takot sa Diyos,

tinatanggap natin ang pagsisiyasat Niya sa lahat ng bagay,

ang ating mga salita at pagkilos ay umaayon sa mga katotohanang prinsipyo,

at ginagamit nating batayan ang mga salita ng Diyos

sa kung ano ang sinasabi at ikinikilos natin;

pagkatapos ay nabubuhay tayo sa liwanag ng presensiya ng Diyos.

III

Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos,

dumadalo tayo sa piging ng pagmamahal ng Diyos, na masagana at praktikal.

Ang malaking pulang dragon at mga anticristo ay naglilingkod ng kanilang huling serbisyo.

Sa pagdanas ng mga pagsubok at kapighatian, natitikman natin ang mga pagpapala ng Diyos.

Iyong mga nakakaunawa sa katotohanan ay nagpapatotoo sa Diyos.

O, mga kapatid! Dapat nating maunawaan:

Ipinagkaloob ng Diyos ang lahat para iligtas at gawing perpekto ang tao.

Ang huling yugto ng gawain ng Diyos

ay ang gawing perpekto iyong mga nagmamahal sa Kanya.

Dapat na malakas tayong magpatotoo para matugunan ang Kanyang mga layunin.

Sa pagkakaunawa sa katotohanan at pagkakamit ng kaalaman,

dapat nating isagawa ang mga ito.

Habang sinusuklian natin ang biyaya ng Diyos at isinasaalang-alang ang Kanyang mga layunin,

nagagalak ang ating puso.

Sa pagmamahal sa Diyos, ikaw at ako ay nagtataglay ng realidad

at nagiging mga bagong tao;

isinasakatuparan natin ang ating tungkulin nang may pagkamatapat

at nagpapatotoo tayo sa Kanya.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin