Tagalog Testimony Video | "Ang Pagiging Huwad ng isang Mapagpalugod ng mga Tao"

Nobyembre 23, 2021

Nang makilala ng pangunahing tauhan ang diyakono ng ebanghelyo na si Sister Liu, napansin niyang sa pagbabahagi nito, madalang mag-ugnay si Sister Liu ng mga salita ng Diyos para maunawaan at mapag-aralan ang mga sarili niyang tiwaling disposisyon. Sa halip, madalas niyang ikuwento ang tungkol sa mga sarili niyang napagtagumpayang positibong pagpasok para lang ipagmalaki ang sarili niya. Gustong punahin ng pangunahing tauhan ang problema ni Sister Liu, ngunit takot siyang mapasama ang loob nito. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, napagtanto niyang sa pananahimik niya kahit nakakakita siya ng problema, naging makasarili at mapanlinlang siyang tao na mapagpalugod ng mga tao para lang protektahan ang ugnayan niya sa iba. Nalaman niyang ang isang mapagpalugod ng mga tao ay hindi mabuting tao ni bahagya, kundi isang masamang taong dinadaya ang iba at ipinapahamak ang kanyang sarili. Pagkatapos nito, nagsalita siya at tinulungan si Sister Liu, at natuklasan niyang sa pagsasagawa ng katotohanan at pagiging tapat na tao, naramdaman niya ang kapayapaan at kaginhawahan.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin