Tagalog Testimony Video | "Gamot Para sa Inggit"
Agosto 19, 2022
Sa buong panahon ng kanyang pakikipagtulungan sa isang co-worker sa simbahan, nakita ng bida na ang co-worker na ito ay mas may kakayahan kaysa sa kanya at maganda ang opinyon ng ibang brother at sister sa kapatid na ito. Dahil namumuhay sa isang kalagayan ng inggit, nakikisangkot siya sa hamak na intriga at nakikipagpaligsahan para sa reputasyon at pakinabang. Bagama't isa itong napakasakit na paraan ng pamumuhay, hindi niya lang talaga mapakawalan ang kanyang sarili mula rito, na iniiwan siyang labis na balisa. Sa pamamagitan ng pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakakuha siya ng ilang pagkaunawa sa kanyang mapagmataas, makasarili, at kasuklam-suklam na satanikong kalikasan. Pinagkalooban din siya ng mga salita ng Diyos ng landas sa paglutas ng kanyang inggit at pag-alis ng kanyang mga tiwaling disposisyon. Nang talikdan niya ang kanyang laman at isinagawa ang katotohanan ayon sa hinihingi ng Diyos, nagkamit siya ng pakiramdam ng kapanatagan at kapayapaan ng kalooban at nagawang isabuhay ang ilang pagkakahawig ng isang wangis ng tao.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video