Christian Dance | "Napakarami Kong Nakakamit Mula sa Pagkastigo at Paghatol ng Diyos" | Praise Song
Enero 1, 2025
I
Diyos ko, kapag pinakikitunguhan Mo ako nang may kabaitan
ako ay nalulugod, at nakararamdam ng ginhawa;
kapag kinakastigo Mo ako,
nakararamdam ako ng higit pang ginhawa at kagalakan.
Bagaman ako ay mahina, at nagbabata ng di-mabigkas na pagdurusa,
bagaman mayroong mga luha at kalungkutan,
batid Mo na ang kalungkutang ito ay dahil sa aking paghihimagsik,
at dahil sa aking kahinaan.
Tumatangis ako dahil hindi ko mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga layunin,
nakararamdam ako ng kalungkutan at panghihinayang
dahil hindi ako sapat para sa Iyong mga kinakailangan,
ngunit handa akong abutin ang kinasasaklawang ito,
handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya para mapasaya Ka.
II
Ang Iyong pagkastigo ay nagdulot sa akin ng proteksyon,
at nakapagbigay sa akin ng pinakamabuting kaligtasan;
ang iyong paghatol ay lumalampas Ang iyong pagpaparaya at pasensya.
Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol,
hindi ko matatamasa ang Iyong awa at kagandahang-loob.
Ngayon, lalo kong nakikita na ang iyong pagmamahal
ay nakalampas na sa mga kalangitan at hinigitan ang lahat ng iba pang bagay.
Ang Iyong pag-ibig ay hindi lamang awa at kagandahang-loob;
higit pa riyan, ito ay pagkastigo at paghatol.
Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay nagbigay ng napakarami sa akin.
Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol,
walang ni isa man na tao ang malilinis
walang ni isa man na tao ang makararanas ng pagmamahal ng Lumikha.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video