Christian Dance | "Napakapraktikal ng Gawain ng Diyos" | Praise Song
Pebrero 17, 2025
I
Ipinapahayag ng Anak ng tao ang katotohanan,
nagsasalita at gumagawa para iligtas ang mga tao.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos,
at Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw.
Lumipas na ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsimula na ang paghatol ng mga huling araw.
Ang mga salita ng Diyos ay humahatol at lumilinis sa mga tao
at ganap na lumupig sa isang grupo ng mga tao.
Ang salita ng Diyos ay kagaya ng matalas na espada,
tumatagos sa ating puso at espiritu.
Nabunyag na ang ating mga satanikong disposisyon,
at sa ating kahihiyan ay nagpapatirapa tayo sa harap ng Diyos.
Isinasagawa at dinaranas natin ang salita ng Diyos,
at nagbabago ang mga buhay disposisyon natin.
Napakapraktikal ng gawain ng Diyos, at tayo ay nalilinis at naililigtas.
II
Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, at ipinapakita nito sa atin ang landas sa buhay.
Binibigyan tayo nito ng mga landas sa pagsasagawa ng katotohanan,
at mga prinsipyo sa sariling asal at kilos.
Pineperpekto ng mga pagsubok, kapighatian, at pagpipino ang ating pananalig.
Ginagamit ng Diyos si Satanas para magserbisyo sa paggawa
ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Ang disposisyon ng Diyos ay banal at matuwid.
Natatakot at humahanga tayo sa Kanya.
Inililigtas tayo ng Diyos,
at malugod nating iniaalay ang buo nating sarili sa Kanya.
Napakapraktikal ng gawain ng Diyos, at naranasan na natin ito ngayon.
Nagpapatirapa tayo sa harap ng Diyos sa pagsamba,
at ang Makapangyarihang Diyos ay nagkamit ng kaluwalhatian.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video