Tagalog Christian Song | "Ang Tinig ng Diyos ay Naririnig ng Kanyang mga Tupa"

Abril 4, 2025

I

Magwawakas ang mga araw; mauuwi sa wala ang lahat ng bagay sa mundong ito, at isisilang na muli ang lahat ng bagay. Tandaan ito! Huwag itong kalimutan! Hindi ka maaaring maging pabaya tungkol dito. Ang langit at lupa ay lilipas, datapuwa't ang mga salita ng Diyos ay hindi lilipas! Muli kayong pinapayuhan ng Diyos: Huwag tumakbo nang walang kabuluhan! Gising! Magbalik-loob, at malapit na ang pampang! Ang Diyos ay nagpakita na sa gitna ninyo, at ang tinig ng Diyos ay lumitaw na. Lumitaw na ang tinig ng Diyos sa inyong harapan; humaharap ito sa inyo nang araw-araw, nang harap-harapan, at sariwa at bago ito bawat araw. Nakikita mo ang Diyos at nakikita ka ng Diyos; ang Diyos ay palaging nagsasalita sa iyo, at kayo'y magkaharap.

II

Pero tinatanggihan mo Siya at hindi mo Siya kilala. Ang mga tupa ng Diyos ay nakakarinig ng Kanyang tinig, at gayunpaman, nag-aatubili ka pa rin! Kumapal ang puso mo, nabulag na ni Satanas ang iyong mga mata, at hindi mo nakikita ang maluwalhating mukha ng Diyos—nakakaawa ka! Nakakaawa! Naipadala na ang pitong Espiritu sa harapan ng luklukan ng Diyos sa lahat ng sulok ng daigdig at ang Diyos ay magpapadala ng Kanyang Sugo upang magsalita sa mga iglesia. Ang Diyos ay matuwid at tapat; Siya ang Diyos na nagsisiyasat sa pinakamalalim na bahagi ng puso ng tao. Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa mga iglesia, lahat ng may pandinig ay dapat makinig! Lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap! Kainin at inumin lamang ang Kanyang mga salita, at huwag magduda. Ang lahat ng nagpapasakop at tumatalima sa Kanyang mga salita ay tatanggap ng mga malalaking pagpapala!

III

Ang lahat ng mga taimtim na naghahanap sa mukha ng Diyos, ay tiyak na magkakaroon ng bagong liwanag, bagong kaliwanagan at pagkaunawa; magiging sariwa at bago ang lahat. Ang mga salita ng Diyos ay lilitaw sa iyo anumang oras, at bubuksan ng mga ito ang mga mata ng iyong espiritu para makita mo ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na dako at makita na ang kaharian ay nasa gitna ng tao. Pumasok sa kanlungan, at mapapasaiyo ang lahat ng biyaya't pagpapala; hindi ka magagalaw ng taggutom at salot, at hindi ka masasaktan ng mga lobo, ahas, tigre at leopardo. Ikaw ay tatahak at maglalakad kasama ng Diyos, at papasok ng kaluwalhatian kasama Niya!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin